NANG ma—i—announce ang top five ay muling nagkaroon ng break for twenty minutes para maghanda sa Question and Answer. "Hindi nakapasok iyong CAS. She win Best in Talent, kaya bakit hindi siya nakapasok?" Iyon agad ang tanong ko nang makalapit sa mga classmate ko. "Baka mababa siya sa ibang category?" Umiling ako. "No, maganda ang performance niya. Feeling ko may dayaan nangyayari. I have advantage na, right? Dahil marami akong sash right now," sabi ko sa kanila. "Yes, Poppy. Kaya kapag nasagot mo ang tanong mamaya sure win na panalo ka na. Kaya gawin mo na lamang ang ginagawa mo, direct to the point ang sagot mo sa tanong, ha? Huwag na paligoy—ligoy at baka pumanget lamang ang sagot mo!" madiin na sabi ni Millie sa akin. "Tama ang sinabi niya, Poppy. Go for the win, okay! We are her