"CALLING our top 5, please umakyat na muli kayo sa stage. I—a—announce na natin ang mga nanalo." "Millie, Selena, guys, akyat na muli kami sa itaas!" sabi ko sa kanilang lahat. Bakas sa boses ko ang pagiging excited. "Poppy, come on, akyat na tayo! Sayo na ang crown again!" Malaking ngiting sabi ni Tyler sa akin. Nilagay ko ang aking kamay sa kanyang nakalahad na kanang kamay sa aking harap. "Thanks! Malay mo ay ikaw rin, Tyler. Bilog ang mundo! Malay mo tayo ang tawagin tonight," nakangiting sabi ko and I giggles. Why not, right? Gusto ko man maging ka—partner muli si Kiran, but Tyler deserves na manalo rin as Mr. Maravilla University. "Thanks, Poppy!" Iniwanan na niya ako sa puwesto ko at bumalik sa line rin nila. I feel so nervous, right now. Grabe iyong kabang nararamdaman ko