HUMINTO ang taxing sinasakyan ni Malina hindi kalayuan mula sa mansiyon nila. Matapos bayaran ang drayber ay nag-umpisa na siyang humakbang hanggang sa marating niya ang kanilang tarangkahan. Buong oras ay hawak niya sa isang kamay ang selpon at mariing tinititigan ang profile ng lalaki. Huminto siya sa tapat ng malaking pinto at sandaling nag-isip. "Kung separated na siya, ibig sabihin, kinasal na siya noon at nagmahal na rn?" hindi niya mapigilang itanong sa sarili. Natulala siya sa kawalan at paulit-ulit na naglaro sa isip ang mga nalaman. Hindi niya tuloy mapigilang hindi isipin na kaya siguro ganoon ka-cold si Atticus dahil may hindi ito magandang karanasan sa nakaraan nito. Bumukas ang malaking pintuan ng bahay at bumungad sa kaniya ang isa sa mga katulong nila. Bahagya itong nagy