Chapter Nine |2|

1022 Words

"Bakit may nagugustuhan ka na bang ibang lalaki? May nobyo ka na ba? Kung mayroon, iharap mo sa akin at nang maipakasal ko kayo! Kung wala naman, maghanda ka dahil sa susunod na linggo, ipapakilala na kita sa lalaking ipakakasal ko sa iyo!" Natigilan si Malina sa mga bagay na narinig. Mariing nakatingin sa kaniya ang ama at dahil doon, alam niyang hindi ito nagbibiro. Padabog nitong ibinaba ang hawak na mga kubyertos at napkin at akmang tatayo na ngunit mabilis siyang nagsalita. "May boyfriend na ako!" walang pakundangan niyang wika. Natigilan ang lahat. Hindi niya alam kung saan nakakuha ng lakas ng loob pero ang tanging laman lang ng isip niya, hindi siya papayag maikasal sa lalaking hindi niya mahal. "Ano'ng sinabi mo?" Muling napaupo sa silya nito si Arnulfo. Bakas sa reaksiyon sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD