Chapter Eleven |2|

1326 Words

Bahagya siyang natigilan at kumunot ang noo sa narinig. Nang makita ang pagsilay ng pilyong ngiti sa mga labi nito ay nailing na lamang siya. Napakapilyang babae. Bumalik siya sa pag-iimpake ng damit at hindi ito binigyan ng pansin. "Atticus, kahit gaano pa kita kagusto, hindi ko iaahin ang sarili ko sa iyo nang libre, ano? Mukha lang akong desperada dahil sa problema ko, pero nasa tamang katinuan pa rin ang future wife mo." Natigilan siya sa ginagawa at matalim ang mga matang tinitigan ang babae. Nang magsalubong ang mga mata nila ay agad na lumapad ang ngiti sa mga labi nito. "Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob. Please, Atticus, pumayag ka nang magpakasal sa akin... " Pinalambing pa ng dalaga ang tinig nito at pinapungay ang mga mata. Nailing siya sa kakulitan ng babae.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD