ILANG beses siyang lumunok nang mariin habang nakatitig sa mukha ng babaeng minsan na niyang minahal at trumaydor sa kaniya. Ang babaeng iniwan siya upang sumama sa boss nitong mayaman—ang babaeng pinagpalit siya para sa pera. Naging malalim ang bawat paghinga ng babae. Mababakas ang pinaghalu-halong emosiyon sa mukha nito: gulat, pagtataka, pagkabahala at isang emosiyon na hindi niya magawang pangalanan. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ng dalagang si Malina sa kanilang dalawa. Bakas din ang pagtataka sa buong mukha nito. "Magkakilala ba kayo?" nag-aalangang tanong ng babae. Mabilis na umiling si Cielo nang balingan nito ng tingin si Malina. Tila napipilitan itong ngumiti bago nagbaba ng tingin upang mag-iwas ng mukha. "Tingin ko magkakilala kayo, e," muling saad ni Malina at matam