Chapter Eight

1413 Words

"CIELO... " Naalimpungatan mula sa pagkakatulog ang babaeng si Angeline nang marinig ang mahihinang ungol. Mula sa pagkakadantay ng ulo nito sa dibdib ng lalaki ay nag-angat ito ng tingin. "Cielo... " Mabilis na nagsalubong ang dalawa nitong kilay. Marahas nitong niyugyog ang balikat ng lalaking nakatalik. Naalimpuntangan naman si Atticus nang maramdaman ang malalakas na pagyugyog sa kaniyang balikat. Sa pagmulat niya ng mga mata ay bumungad sa kaniya ang galit na mukha ng dalaga. "Angeline, ano ba?" malalim at namamaos ang kaniyang tinig. "Walang hiya ka! Sino si Cielo, huh? May iba ka pang ka-s*x maliban sa akin!" Kinuha nito ang unan sa tabi at pinaghahampas sa kaniya. Pilit naman niyang sinasangga gamit ng kamay ang unan. "Ano bang pinagsasabi mo!" halata ang inis sa boses niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD