Chapter Ten

1217 Words

ALAS-SIETE pa lang ng umaga ay nakaharap na si Malina sa malaking salamin sa loob ng kuwarto niya. Abala niyang sinisipat ang sariling imahe upang siguraduhin na maganda siya para sa araw na iyon. Umikot pa siya sa harap ng salamin at ngumiti nang malapad. Nakasuot siya ng white linen dress at mules strappy sandals. Itinali niya ang maikli niyang buhok paitaas na parang sa isang messy bun. Nang masiyahan sa nakikita, bitbit ang kaniyang pink shoulder bag, nagdesisiyon siyang lumabas na ng silid niya at dumiretso sa naghihintay na taxi para sa kaniya. Sinadya niyang gumising nang maaga upang makaalis din nang maaga. Mahirap na kasi na maabutan siya ng daddy niya, baka hindi pa siya nito paalisin. Mahigit kalahating oras din ang itinagal ng biyahe niya. Alas-otso pa magbubukas ang coffee

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD