Nang makalabas ang babae ay lumapit siya sa pintuan ng kusina. Napansin niya ang nangingitim na kisame sa isang parte ng kusina. Nang ibaba niya ang tingin upang makita ang dahilan niyon ay mabilis na humarang sa harap niya ang binata. Lumabas ito at isinara ang pinto ng kitchen. "Maghintay ka rito," utos nito at diretsong naglakad hanggang sa marating ang isa pang kuwarto na sa palagay niya ay ang silid-tulugan nito. Humakbang siya at napansin ang sala sa labas ng silid. Maraming bote ng alak sa mesa na katabi lang ng mahabang sofa. Mukhang nag-iinom din ang lalaki sa tuwing umuuwi ito. Sa palagay tuloy niya, mahal na mahal nito ang dating asawa kaya apektado pa rin ito hanggang ngayon. Bumuntong-hininga siya at hindi napigilang makaramdam ng kung anong kirot sa kaniyang puso sa isipi