Reese Jayana “Tomboy” Abad Namangha ako sa laki at kakaibang ganda ng lugar. Mga kulay ginto at naglalakihang mga chandelier ang makikita sa itaas. Ang mga lamesa at upuan ay nababalot ng mamahaling tela. Ang mga baso, plato at mga kubyertos ay kumikinang. Mababatid mo na hindi lang basta mayayaman at milyonaryo ang mga tao sa paligid dahil na rin sa kani-kanilang mga iba’t-ibang disenyong kasuotan. Walang magkakaparehong mga damit gaya ng mga normal na party na ina-attenand ng normal na mga tao. Lumibot ang buong mata ko sa paligid at hindi maiwasang mapanganga sa lahat ng aking mga nakikita. Hindi ako makapaniwala na ganito pala kayaman ang aking asawa. “Woah!” Saad ko sa aking isip. Pilit tinatago ang aking emosyon upang hindi mapagkamalan ng ibang bisita na hindi ako sanay na sa gan

