Kendric Aziel Suazer Malawak na karagatan ang aking tanging natatanaw. Isang malawak na lugar kung saan hindi mo maabot ang hangganan. Kung saan malayang nagtagpo ang langit at ang dagat. Lugar kung saan malayang nabubuhay ang iba’t-ibang klase ng mga isa at yamang-tubig. Ito ang lugar kung saan mararamdaman mo ang katiwasayan at katahimikan. May pagkakataon man na maalon ang tubig at galit ang langit, sisilip pa rin ang araw para mag bigay ng liwanag at bagong pag-asa sa atin. Hawak ang urn ni Lolo Opal ay dahan-dahan kong sinaboy sa gitna ng karagatan ang abo ng kanyang katawan. Gaya ng bilin niya kay Mommita ay tinupad namin ang kanyang kahilingan. Sa bawat pagtapon ng abo sa hangin ay sana’y dalhin na rin ang pait, lungkot at masamang nangyari sa aming buhay. Sana’y maging masaya sil

