Reese Jayana “Tomboy” Abad Maaantig ang sinoman kapag narinig ang kanta ng tugtuging pam-pasko. Tataas ang iyong balahibo at makakaramdam ng halo-halong emosyon. Ang mga emosyon na nagpapa-alala sa ating mga pinagdaanan sa buhay. Maaring emosyon ng kasiyahan, kalungkutan, at pananabik. Nanariwa sa aking ala-ala ang panahon na kasama ko pa si Lolo Carmelo. Kahit dalawa lang kaming magkasama at nakikipag-laban sa buhay ay kahit kailan hindi ako nagkulang sa pagmamahal. Sa bawat oras at araw ay binubusog niya ako ng pagmamahal. “Nakakamiss!” Sumagi sa aking isip. ‘Di mapigilan ng aking labi na mapangiti tuwing naaalala kung gaano kami kasaya ni Lolo Carmelo tuwing magpapasko. Siyam na madaling araw kung gisingin ako upang makumpleto ang Misa de Gallo. Kasa-kasama at bantay ko sa tuwing ka

