Kendric Aziel Suazer Taimtim kong hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Glend! “Ano pa ba ang hindi ko alam?” Tanong ko sa aking sarili. “Si Uncle Juno ang dahilan nang pagkamatay ng magulang ni Scarlet! Ikaw talaga ang target.” “Ho-how did you know? Paano nalaman ni Scarlet? Alam na pala niya ang totoo bakit hindi niya sinabi sa akin?” Tanong ko. Nakakabigla ang mga rebelasyon na ito. “Aksidente niya lang nalaman ng mahuli niyang may kausap sa telepono si Uncle Juno. Nahuli siya ni Uncle Juno na pinapakinggan ang pag-uusap. Binantaan siya na kung magsusumbong ay papatayin siya. Sa murang edad ni Scarlet natakot siya kaya wala siyang nagawa. Iyon rin ang dahilan kaya hindi natuloy ang pagpatay ni Uncle Juno kay Lolo Opal. Nagpalamig siya ng mga ilang buwan. Kaya lang mas napaaga

