Reese Jayana “Tomboy” Abad Lutang ang aking isipan habang kinakausap ng pulis. Naniniwala sila na nilabag ko ang kanilang batas. Ang mga ebidensya na kanilang nakalap ay sapat na para madiin sa isang kaso na hindi ko naman ginawa. Nung una nila akong hinuli ay pinalaya pa nila ako, ngunit ngayon ay hindi na. Wala na akong nagawa nang hingin muli nila ang mga personal na impormasyon sa’kin, ganun din ang passport ko. Dahil hindi ako citizen dito ay mas mahigpit ang mga pulis. Australian permanent citizen si Scarlet kaya naman todo ang pag-aasikaso nila sa kaso. Muli ay nagbigay ako ng statement tungkol sa pangyayari. Under investigation pa rin ako hanggang ngayon.. Luha lang ang sumilay sa aking mukha habang dala ng pulis papasok sa selda. Matatawag mo nga bang selda ito? Kung titignan

