Kendric Aziel Suazer Napakuyom ang aking palad. Napayuko ako at matalim na tinitigan ang mga litrato na inaabot sa akin ng tao na nasa harapan ko ngayon, Sa bawat salita na aking naririnig ay dahilan nang pagtaas ng aking dugo. “I didn’t expect that he wants to mess with his own daughter, Mr. Suazer.” Report ng imbestigador na binayaran ko para sundan-sundan at bantayan ang galaw ng Lolo nina Jayana at Ram. “Kasama ang kanyang mga tauhan, maingat sila sa kanilang mga ginagawa. Kung mapapansin niyo dyan sa mga litrato na binigay ko, napakabilis lang nila nakuha si Ma’am Martina. Walang malay nang ipasok sa sasakyan ng ama.” Kita ko sa mga litrato ang bakas na maaaring sapilitan siyang dinala. ‘Pero bakit?’ Tanong ko sa aking isip. “Continue.” Usal ko habang tinitignan isa-isa ang mga l

