Reese Jayana “Tomboy” Abad Makukulit at malolokong estudyante. Maiingay at naghahagikgikan mga boses ang maririnig tuwing wala ang professor. Masasabi ko sa sarili ko na sa ilang taon na pag-aaral ko kasama ang aking mga kaibigan ay masaya rin makisalamuha sa ibang mga kaklase. Hindi kasing tibay ng pagkakaibigan namin, ngunit nakadagdag sa circle of friends namin. May mga kaklase pa rin kaming mga nakakasundo at nagiging ka-close. Mahirap man ang sitwasyon ko sa ngayon dahil sa pagiging maingat na maiwasan si lolo ay may ilang pagkakataon pa rin na nakakasama namin siya. Hindi dito sa eskwelahan pero sa ilang mga business party na ina-attenand ni Kendric. Katulad na lang ngayon….. “Hahaha!” Hagikgik ng matandang kaharap namin ni Ram at Kendric. “Feel at home!” Masayang sambit niya. “

