Chapter 53 GULAT ang rumehistro sa magandang mukha ni Leigh nang makita si HJE, sa departure area ng EGA. With him is her best friend, Jillian, wearing her uniform. Para siyang maluluha sa nakikita. Finally, nariyan na ang kaibigan niya at makakasama na niya. Nakaka-proud. Masayang-masaya para rito, at mas masaya siyang makita na naroon ang ina nito para ihatid ito sa unang flight. Totoo na ang pagbabago ng mga magulang ni Jillian, at nagpapasalamat siya dahil dun. Hindi na ito masasaktan at iiyak. She wasn't informed it was the first flight of the two of them together. Ang sabi ni HJE ay may surpresa sa kanila ni Jillian sa unang flight nito after maospital. Ngayon na iyon. Xavier's with her. Ito ang nagsundo sa kanya dahil hindi pa handa si Clive, may aasikasuhin daw muna sa office, p