Chapter 53 "UMALIS ka na muna," matigas na utos niya kay Xavier nang malingunan ang lalaki. "S-Sir?" Takang sambit nun sa kanya. "B-Bakit, sir? M-May sasabihin ako, sir. Si Miss Leigh nasa flight to Macau," anito kaya napirmi siya sa kinatatayuan niya. Anong hayop na kagaguhan iyon? Napahilamos siya sa mukha at dinilaan ang labi. "Ulyanin talaga si HJE," aniyang hindi malaman kung anong gagawin. "HJE himself was the chief pilot and…Ricci was the—" "f**k!" Uminit na naman ang ulo niya, "Why is Tito HJ deciding things on his own without considering me?" Bigla-bigla ay nawala ang paghihinala niya kay Xavier dahil nakuha ng Macau ang kanyang atensyon. Hindi naman talaga siya basta-basta umaalma sa kalaban o kaaway. Nagpaplano siya nang palihim saka siya aatake. Ganun na estratehiya ang