Chapter 55 "If I kill you right here, right now, no one would suspect that I intentionally did it. This is my company. You're a trespasser. I could say you harassed me. How about that kind of plan, Xavier?" Ngumisi siya rito. Napalunok ito ng laway, "B-Bakit, sir? Anong nagawa ko? N-Naihatid ko si Miss Leigh nang maayos. Kung tungkol…naman sa… Macau…" hindi na nito itinuloy ang sasabihin. Ibinaba niya ang baril at inilapag sa mesa niya. Naupo muli siya sa silya at nag-umpisang magtrabaho. "S-Sir, di ko maintindihan." Wala itong kinalaman sa pagkamatay ni Zaira. All this time, kasama niya ito sa plano para makuha si Leigh at ang lupa. Naging girlfriend nito si Jillian pero wala itong sinasabi na kahit na ano. Ito lamang ang inasahan niya sa kumpanya noong mga panahon na nagkukulong siy