"Bakit ba allergic ka sa akin?"
"At nagtatanong ka pa? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo doon sa may hagdanan kaninang umaga?"
Tumingin ang lalaki sa kisame na parang may iniisip. "Ikaw ba 'yon?"
Nagtatalo ang aking isipan kung dapat ba akong maniwala sa kanya, afterall, fresh pa ang nangyari. Imposible naman yata na hindi niya maalala 'yon. Ibig sabihin, ako lang ang na-stress sa ginawa niya kanina? "Yeah, it was me. Simula ngayong araw, tandaan mo ang pagmumukhang ito, at tuwing magkasalubong tayo sa school, umiwas ka na kaagad upang hindi ka makatikim-"
"Ng umaapoy na kamao?"
"Buti at alam mo!"Nang dumating ang aking inorder na pagkain, kinalimutan ko na lang na may isang taong nakaupo sa harap ko at nag-focus na lang sa pagkain.
"Masarap ang grilled cheese sandwich nila," sabi niya.
"Bibili ba ako kung hindi masarap?"
"Bakit ba ang taray mo? Sige ka, baka maging matandang dalaga ka n'yan. Hindi ka papasukin ni Senyor Pedro sa langit."
"Funny. Sumali ka na lang kaya sa Showtime?" Hindi niya ako sinagot dahil dumating na rin ang kanyang pagkain. Pareho kami ng inorder?
"Baka iisipin mo na soulmate tayo dahil pareho tayo ng pagkain?"
Ang kapal talaga niya, pwamis! Gamit ang aking isang paa, sinipa ko ang kanyang tuhod sa ilalim ng mesa. Napangiwi ito sa sakit. "Masakit ba?" Tumango ang lalaki. "Next time na guguluhin mo pa ako, higit pa diyan ang aabutin mo, intiende?"
"Hindi naman kita inaano, bakit ka nananakit ng tao? Alam mo bang importante sa akin itong mga paa ko? Buti nga at pinag-aksayahan kita ng oras, eh!" Sabi nito at padabog na tumayo at lumipat sa ibang mesa
Nang umalis ang lalaki, bahagya akong nakonsensya at nahiya sa aking ginawa. Ako ang mas matanda sa aming dalawa ngunit nang tiningnan niya ako ng masama, para akong bata na natatakot mapalo. Tatayo na sana ako upang mag-sorry sa lalaki nang lumapit si Helena sa akin. "Hello Ellie, off ka na?"
"Mamaya pa. So, sino 'yon? Nobyo mo ba?"
"Who?"
"Sino pa? Eh di 'yon?" Gamit ang nguso nito ay itinuro ang binatilyong tahimik na naupo sa kabilang bahagi ng kainan.
"Hoy, tamaan ka sana ng kidlat sa pinagsasabi mo. Hindi mo ba nakita ang suot niyang uniform? Highschool pa siya, bes!"
"Age doesn't matter naman pagdating sa love life. At saka, parang attracted din naman siya sayo."
"Ah, kaya pala tinawag niya akong pangit. Alam mo ba ang sinabi niya sa akin kanina? Pangit na nga ang pagmumukha ko, pangit pa ang ugali. Imagine?" Tumawa nang malakas si Helena sa sinabi ko kaya bigla kaming pinagtitinginan ng mga tao.
Nang bumalik si Helena sa workstation nito, muli kong pinagtuunan ng pansin ang aking sandwich dahil mas masarap siya kainin kapag mainit pa at may pares na inuming tsokolate. Usually, kapag may meeting din po ako with my prospects sa USANA, dito na rin sa cafe na ito ko sila dinadala especially kapag umaga ang meeting.
Two years na ako sa USANA at ang una kong naging customer ay ang aking magulang at mga nakakatandang kapatid. Noong una ay nagdadalawang-isip pa sila kung bibili ba o hindi kasi may kamahalan ang mga supplements. Pero nang nasubukan na nila ang mga produkto, lalong-lalo na ang Essentials, naging suki ko na rin sila, hanggang sa sumali na din sila sa business.
Ang aking mga magulang ay kapwa mga guro pero nahihirapan pa rin sila sa pagbayad ng aking tuition fees noon considering the increasing cost sa lodging, pagkain, books at iba pa. Mabuti na lamang at sinuportahan ako ng ibang kaklase at mga guro na bumili ng mga produktong ibinibenta ko sa kanila. Kumita ako sa retail sales, maliit lang ang margin niya, pero malaking tulong na rin sa akin. Kahit papaano ay may source of income na ako habang nag-aaral pa lang.
Pagkatapos kong kumain, tiningnan ko ang kinauupuan ng binatilyo kanina. Umalis na pala siya. Hihingi pa sana ako ng tawad, di bale, next time na lang kung magkita kami. Mabuti pa ay i-update ko na lang muna ang aking blog. Importante kasi sa mga tulad kong online entrepreneur ang presence sa worldwide web. Kahit na nauna ako ng ilang taon kaysa sa aking mga downline, kailangan ko pa ring magtrabaho para sa akin, at para din sa kanila. Team effort kasi ang kailangan para ma-meet namin ang aming mga goals.
Matapos kong ipublish ang aking bagong post, iniligpit ko na ang aking gamit at nagpaalam kay Helena na babalik na ako sa school. Ayoko ng maulit ang nangyari kanina na nagkakandarapa ako sa paghahanap ng aking room assignment.
Ang eswelahan namin ay may tatlong gate. At ang main entrance ang pinakamalapit mula sa Plaza Fair, kaya doon ako dumaan. Nasa loob na akong unibersidad nang magtalo ang aking isipan kung saan ako dadaan patungo sa business ad na building. Pwede sa education department, kaya lang kapag hapon ay bihira na lang ang mga estudyante doon at may kadiliman ang kanilang mga pasilyo. Para kasing naka-dimlight lahat ng ilaw, siguro ay nagtitipid ang may-ari ng school. Or I could pass by the maritime dept, to engineering , then business ad. Compared to the crim students, mas behave kasi ang mga taga maritime. Hindi sila pakalat-kalat sa pasilyo, at ganun din ang mga engineering students. Bakit kaya ganun ang taga crim?
Ay, bakit close ang access door dito? Napakamot ako sa aking ulo nang mabasa ang signage na sarado ang access door from maritime to the business ad department. Nakakainis naman! But I have no choice. Either, babalik ako sa aking pinanggalingan or sa taas na lang dumaan. I don't know what happened, but the fifth floor of Admin Building was abandoned, no classes were held, and no students would dare to loiter in the hallway.
Sobrang tahimik ng buong paligid. Siguro dahil na rin sa aking imahinasyon kaya naramdaman kong nagsitayuan ang aking balahibo sa batok. Paglingon ko, nakita ko ang maraming bungo ng tao na nasa ibabaw ng mesa.
Shit!
Mabilis akong tumakbo na parang may humahabol sa akin. "Ayyy! Pasensya na po talaga kayo, pero hindi kita napan-".Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin sana nang makilala ko kung sino ang aking nabangga.