Kapag mwf ay broken ang aking schedule sa klase. After the first subject, may dalawang oras ako na breaktime at pwedeng maglakwatsa sa malapit na Department Store.
Dahil malapit lang naman ang aking boarding house mula sa school, mas pinili kong umuwi at magpahinga. Bukas na lang ako pupuntang library tutal kakasimula pa lang naman ng klase.
Ngunit pag-uwi ko sa nirerentahang silid, napakaimposible na makatulog ako saglit sa sobrang ingay. Parang nagpa-children's party yata ang isa sa mga nangungupahan. Problema talaga kapag hindi exclusive sa mga estudyante ang boarding house.
Naisipan kong bumalik na lang sa school at sa library na lang ako magpalipas ng oras. Paglabas ko ng silid ay siya ring paglabas ni Marjo, kapatid ng may birthday party.
"Ate Erin, kanina ka pa ba diyan? Snacks ka muna dito sa amin, birthday kasi ni bunso."
"Salamat pero nagmamadali kasi ako, eh. May kinuha lang ako sa loob, i-greet mo na lang ako kay bugoy ng happy birthday."
"Ganun ba? Hmmm, wait lang ha, kukuha lang ako ng sandwich para dalhin mo sa school." Nagmagandang-loob si Marjo na bigyan ako ng sandwich.
"Nakakahiya naman sayo,Marj." Gusto ko sanang tumanggi dahil nakakahiya naman kasi.
"Sus, minsan lang naman may ganito sa amin. " Muling pumasok si Marjo sa kanila at nang lumabas ito ay may dala ng sandwich...at kasamang lalaki. "Ate Erin, si Ariel nga pala, kaklase ko."
It was him! Never kong makakalimutan ang pagmumukha ng estudyanteng 'yon! "Ah, nag-cutting classes ka, ano?" Hindi ko napigilan ang aking sarili na maging mataray.
"Medyo," sagot niya.
Naks, ni hindi man lang ito nahiya sa sinabi niya. "Salamat dito Marj ha, sige tutuloy na ako."
"Sabay na lang po kayo ni Ariel kasi babalik na rin siya a skul," sabi ni Marjo.
"May dadaanan pa kasi ako," sabi ko kay Marjo bago ko kinausap ang binatilyo. "Alam mo naman siguro ang daan pabalik sa skul diba?" Tinanong ko ang lalaki habang magkasunod kaming bumaba.
"Yup."
"Mabuti kung ganun, kasi wala akong panahon para maging yaya mo."
"Hindi naman yaya ang kailangan ko kundi girlfriend," sumagot pa.
"Asus, ang bata-bata mo pa, girlfriend lang ang inaatupag mo. Ano naman kaya ang magiging future mo?" Tinanong ko siya.
"Future kaagad? Hindi ba pwedeng mag-enjoy muna habang bata pa."
Antipatiko talaga si Ariel at sobrang angas ang dating. "At ano naman ang akala mo sa babae, aber? Laruan lang ba ang tingin mo sa amin? Kung balak mong maglaro, sana nag sports attire ka na lang."
"Grabe siya o. Kung maka-judge, wagas. NBSB ka ba?" Nagtanong siya, pero iba ang dating sa akin ng tanong niya sa totoo lang.
"Eh, ano ngayon kung NBSB?" tinarayan ko siya.
"Ahhh, I see. Ganyan naman palagi ang mga NBSB, umaastang mataray pero ang totoo, gusto lang magpapansin sa aming mga lalaki."
Ano raw? Nagpanting ang aking taynga sa kanyang sinabi. Ako? Umastang mataray para mapansin niya? Wagas din kung mag-assume ang mokong na 'to. "FYI, you are not my type!" Hindi uubra sa akin ang pagiging matangkad niya. So what kung may pagka-Enchong Dee ang kanyang mukha?
"Sabi ko na nga ba at mag-eenglish ka na. May lahi ka bang foreigner? Fyi din, di ko rin type ang mga englisera, feeling matalino eh hindi naman basehan 'yon sa pagsukat ng intelligence ng isang tao."
"Aba, may pinaghuhugutan ka yata? Anyway, I hope that I won't see you again in school." Pagkasabi ay mabilis akong naglakad palayo sa binatilyo. Nakakabadtrip kasing kausap ang isang iyon, hindi nagpapatalo at lagi na lang may sagot. Eh di siya na ang magaling!
"Miss, sandali lang!" Tinawag ako ni Ariel.
"Bakit ba, sunod ka ng sunod? Aso ka ba?" Inirapan ko siya dahil nakakainis na talaga ang pangbuwisit niya sa akin.
"Bakit?"
"Ulol ka kasi! Mahirap bang intindihin na ayaw ko sayo?"
"Ang sakit mo namang magsalita. Pangit ka na nga, pangit pa ang ugali mo!"
May pagkasalbahe talaga ang isang ito. Kanina lang ay tinawag akong miss beautiful, tapos ngayon ay pangit na kaagad? Sino ba ang niloloko nito? Hinarap ko siya at dinilatan ng mata. "Hoy, kung ayaw mo sa ugali ko, umalis ka na. Gusto mo bang makatikim ng umaapoy na suntok mula sa akin?" Hindi ito sumagot at mabilis na tumawid sa kabilang bahagi ng kalye. Beh, buti nga sayo! Akala siguro nito na hindi ko siya papatulan. Ako pa? Eh ang mga kuya ko nga, walang say sa akin doon sa bahay namin.
Naisipan kong doon na muna ako magpalipas ng oras sa loob ng Yum Yum Cafe na nasa Plaza Fair. Masarap ang kanilang grilled cheese sandwich at chocolate drink. Perfect para sa meryenda. At gusto ko ring makita ang aking bestfriend na si Helena. May parttime job ang babae sa Yum Yum. Pagpasok ko sa loob, siya na kaagad ang nakikita ko dahil kasalukuyan siyang nasa counter. Nataon din na walang ibang customer na nakapila kaya ako na kaagad ang mag-oorder.
Helena smiled before reciting to me her usual greeting to the customers. "Good afternoon, Ma'am. Welcome to Yum Yum Cafe, what can I get for you?"
"Hello. Available pa ba ang grilled cheese sandwich sa oras na 'to?" Usually, I have it in the morning kasi.
"Yes, it's available 24/7. How many orders?"
"Isa lang. Ikaw, anong oras ang break mo? Baka pwede tayong sabay na magmeryenda?"
"Thank you Erin, pero tapos na ang breaktime ko, eh. Next time na lang?" Tumango ako at kinuha ang one hundred peso bill mula sa aking wallet at ibinigay ko kay Helena.
"I receive one hundred. Alright, here's your change and your number. Please take your seat and wait for your food."
"Thanks, Ellie." Papunta na ako sa isang bakanteng mesa nang maalala ko ang isang bagay. Bumalik ako sa counter. "Hey, can I call you tonight? Chika-chika, you know. Bihira na lang kasi tayong magkita, eh."
"Sure. Mga alas syete, nasa bahay na ako n'yan."
"Good. I really missed you. Sana magkaroon ka naman ng oras na makapag-bonding tayo."
"Me too, kaya lang, alam mo na. Busy pa ako sa paghahanapbuhay, eh."
"Basta, tonight ha, tatawagan kita." As usual, doon ako sa may sulok na bahagi umupo dahil ayokong maistorbo ng ibang tao habang kumakain. Kinuha ko ang aking tablet na Huawei M3, binuksan ang app na Monefy na app at nirecord ang nagastos ko sa meryenda. Sunod kong binuksan ay ang Usana Hub upang tingnan kung magkano ang commission na matatanggap ko this week.
"Excuse me, pwede bang maki-share ng table?"
"Sure," sabi ko, pero nang makita ko kung sino ang nagtatanong, kumulo kaagad ang aking dugo. "Ikaw na naman?"