Bakit kapag heartbroken ang isang tao ay mas madaling mapagod? Mag-aalas diyes na ng gabie nang dumating ako sa boarding house namin dahil pagkatapos ng aking last subject ay dumaan pa ako sa Yumyum upang kumain ng hapunan. Gusto ko sanang makausap si Helena pero day-off pala ng babae. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi niya sinabi sa akin na off niya ngayong araw dahil baka busy rin ito. Nang makapasok na ako sa aking silid, hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw at dumiretso sa kama at nahiga. Gusto ko nang matulog kaagad upang makalimutan ang pagtataksil ni Ariel sa akin. Alam ko sa aking sarili na bukas, pagkagising ko, ay magiging normal na ang lahat. Tama nga ang sinabi ng mga kapatid ko na distraction lang sa pag-aaral ang pakikipagnobyo. Kasi, kahit ilang araw lang na