Dalawang araw na ang nakalipas simula nang muntikang may mangyari sa amin ni Shadi pero paulit-ulit pa ring naglalaro sa aking utak ang lahat ng naganap noong araw ng Sabado. Para pa rin akong maiihi tuwing nakikita ko sa aking memorya kung paano niya ako hinalikan sa labi at kung gaano siya kabanayad sa paghaplos sa aking dibdib. "Hoy! Bakit, tulala ka Erin?" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa aking harapan si Marian, ang working student sa opisina ng Dean namin, at naging kaibigan ko na rin. "Marian, ikaw pala." "Huhulaan ko kung bakit kanina ka pa tulala." "Wee, sige nga, hulaan mo." Feeling kasi ni Marian ay magaling siyang manghula. Puro naman mali ang mga hula nito sa akin. "Hmmm, sa tingin ko ay may nobyo ka na at nagpadala ka sa tukso." Pakiramdam ko ay umakyat ang aking du