Kahit anong pilit ko sa aking mga mata, nahihirapan akong matulog muli. Pagtingin ko sa wall clock, alas singko pa lang ng umaga. Ano naman kaya ang pwede kong gawin sa oras na 'to? Wala naman akong assignments na kailangang gawin, wala din akong quizz mamaya na kailangan kong magreview?
Hmmm, bakit hindi na lang kaya ako mag jogging? Baka swertihin pa ako ngayong araw at masilayan ang mukha ni Chester na laging nakasimangot. Malapit lang sa sports complex ang bahay nina Chester at alam kong araw-araw itong tumatakbo para lagi itong fit and healthy.
Kulay green na sweatshirt at jogging pants ang isinuot dahil malamig pa ang hangin sa labas. Walking distance lang din ang sports complex galing sa boarding house kaya ilang minuto lang ay nasa track field na ako. Napansin ko na maraming mga teens ang nag jogging at ang iikli ng mga suot nilang shorts. Ano ba ang meron? Baka may artistang naligaw sa lugar namin.
Ah kaya pala!
Kung hindi ako nagkakamali, mga varsity players ng school namin ang aking namataan sa di kalayuan. Narito din kaya si Chester? Sana nga. Matapos kong mag stretching ay kaagad akong tumakbo. Nakailang metro pa lang ako nang may bumangga sa akin.
"Oppss sorry, akala ko kasi ay puno ng saging ang tumatakbo."
Nang makabawi ako ay nilingon ko ang bumangga sa akin. "You!"
He just smiled at me, showing his newly brushed white teeth, flashing his dimples, and those chinito eyes are just so adorable. Pero hindi, hindi pwede na palagpasin ko na lang ang nangyari. "Puno ng saging? Ako? Sa ganda kong 'to, puno ng saging ang tingin mo sa akin?"
"Eh, wala bang salamin sa inyo? " Sabi ng lalaki na tiningnan ako from head to toe.
"So ano ngayon kung berde lahat ng kasuotan ko?"
"Wala naman, ano lang, mukha kang saging." Pagkatapos niya akong laitin ay tumakbo na ito palayo sa akin. And I heard him laughing! Parang gusto kong umuwi na lang sa boarding house. I was about to leave when I saw Chester running towards me! Napa-omg talaga ako habang papalapit na siya sa akin. "Ches-!"
Tinawag ko siya pero hindi niya ako narinig at parang naka-focus lang ito sa kanyang pupuntahan...si Gretchen pala! Kung karneng baboy ako, ako 'yong patapon na dahil double dead na.
"Crush mo?"
"Ikaw na naman? Bakit ba ang bilis mong nakabalik rito?"
"No no no! Ikaw ang kanina pa nakapako diyan. Why don't you join me? Ipakita mo sa kanya na kaya mo siyang palitan ng mas gwapo, mas matangkad, at mas bata!" And once again, he smiled at me. Arghh!
"Puro ka kalokohan," sabi ko habang tumatakbo ng mabagal pero biglang may sumabay sa amin na mga varsity players sa highschool.
"Yel! Sabi ko na nga ba at may dahilan kung bakit bigla ka na lang sumabay sa amin ngayon."
"Oo nga, Yel. Pakilala mo naman kami sa bago mo.!"
"Huwag mo na lng silang pansinin, ganyan talaga ang mga 'yan."
"So, varsity ka rin?"
"Ganun na nga!"
"I see." Aalis na sana ako nang papalapit sina Chester at Gretchen, kaya binilisan ko na lang ang aking pagtakbo upang hindi nila ako makita.
"Sumabay ka na sa akin mag breakfast."
Ipinaglihi siguro ang lalaki sa bato, ang tigas kasi ng ulo! "Saan?"
"D'yan lang sa tabi-tabi."
"Salamat, pero doon na lang ako sa boarding house namin."
"Bakit, mag-eemote ka pa rin ba?"
"None of your business!" Ano'ng pakialam nito kung doon na lang ako sa boarding house kakain? Masarap din naman ang tinolang isda sa karinderya ni Ate Mai. Tuwing umaga ay inihaw na porkchop at tinolang isda ang bestseller sa kanilang karinderya.
"Hindi mo ba ako yayayain na mag-almusal?" Muling humirit ang lalaki nang paalis na ako. Ang kulit talaga niya, nakakaputi ng buhok!
"At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Hmmm, dahil ni-rescue kita mula sa kahihiyan kanina?"
"Tulad ng?"
"Tulad ng nangyari kanina na todo ang pagngiti mo tapos nilagpasan ka lang pala ng crush mo.."
Inirapan ko siya! At binigyan ng warning gamit ang nakakamatay na titig! "Ulitin mo pa at makakatikim ka na sa akin!"
"I like that."
"Diyan ka na nga!" Bwisit! Walang pupuntahan kung kakausapin ko pa rin siya. Kukulo lang ang dugo ko at masisira ang aking araw.
"Hey, hindi ka talaga mabiro, ano?"
"Hindi ka rin marunong umintindi, ano?" sinagot ko siya ng isa pang katanungan.
"Gusto ko lang namang makipagkaibigan sayo, eh."
"Pwes, marami na po akong kaibigan. Kulang na nga ang oras ko para sa kanila, eh, tapos dadagdag ka pa?"
"Kung oras lang ang problema mo, marami ako niyan. So, friends na tayo?"
"Hindi!" At pinara ko ang taxi na papalapit sa amin. Hindi bale nang magbayad ng pamasahe kaysa patuloy ko siyang makakausap, nakaka-drain ng energy ang isang 'yon! Habang lulan ako ng taxi, pasimple akong lumingin sa pinanggalingan ako, at nakita ko siyang nakatayo pa rin doon sa gilid ng kalsada.
Hindi ako dumiretso sa boarding house at nagpahatid kay Manong Driver sa cathedral. Ipagtitirik ko ng kandila ang aking pinsan na pumanaw last month. Sa edad na trenta y kwatro ay natalo ito ng cancer. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya kasi parang naka-imprint na sa aking memorya ang kanyang masiyahing mukha.
And I felt guilty! Simula kasi ng malaman kong may kanser siya, sa f*******: na lang kami nag-uusap at ni minsan ay hindi tungkol sa kanyang sakit ang aming napag-uusapan. Natakot kasi ako noon na baka mas lalo niyang maramdaman na may malubha siyang sakit siya kung lagi ko itong ipaalala sa kanya.
And he has his own priorities too. Sayang at hindi man lang kami nagkausap sa personal, mabuti pa ang mga kasamahan niya sa trabaho, dahil marami silang pictures na magkasama, samantalang ako ay konti lang at matagal na 'yon. What if kinumbinse ko siyang uminom ng supplements para sa kanyang cells, posible kayang maka-survive siya sa cancer?
"Sanjie, kung nasaan ka man ngayon, huwag kang mag-alala dahil hindi ko naman pababayaan ang mga magulang mo. Ang lungkot lang na wala ka na. Pero kumusta na po pala kayo, diyan? Gusto mo ba ng beer?"
I can't help but cry while I'm talking to him in my head. I just have so many regrets, I should have done that and this for him, but it's too late now. He's already gone! Pinahid ko ang aking mga luha nang maramdaman ko na parang may tao sa aking likod at sinasamyo nito ang aking buhok. Then I felt a tingle in the back of my neck.
But no, I'm in the house of God, whom should I fear? Gathering all my strength, I turned around and came face to face with him. "Oh my God!"