Muli kong dinayal ang numero sa bahay nina Helena. Nakatatlong ring din bago may umangat sa awditibo. "Ellie, mabuti naman at ikaw na ang nakasagot. Grabe naman sila, imbes na makapagpahinga ka na, inuutusan ka pa!"
"Hindi kita maintindihan, at saka bakit ngayon ka lang napatawag? Kanina pa ako nakaupo dito sa gilid ng landline."
Naguguluhan ako sa ipinagtapat ni Ellie. "Tumawag naman ako kanina pero ang sabi ni Ariel Dalisay na pinsan mo ay inutusan ka pa raw!"
"Sino si Ariel Dalisay? Wala namang Ariel sa bahay namin."
Kung ganun, sino ang nakausap ko kanina? "Sinabi pa nga niya sa akin na nasa kusina ka pa at naghugas ng pinggan,eh. Huwag mo nga akong tinatakot, Ellie."
"Totoo ba talaga ang sinasabi mo o nagdadahilan ka lang dahil late kang tumawag?"
"Totoo nga! Kinuha nga niya ang cellphone number ko eh dahil magpapalibre daw siya ng meryenda bukas."
"Hala ka! At ibinigay mo naman? Baka mali ang numerong tinawagan mo kanina."
"Impossible! Narinig ko pa nga na tinawag ka niya, eh!"
"Talaga? Pero ngayon lang naman nag-ring ang telepono namin simula nang dumating ako sa bahay."
Kinabahan ako. "Ellie, sa tingin ko ay wrong number nga ang natawagan ko kanina."
"Patay kang bata ka!"
"Kaya nga, huwag na huwag kang aabsent bukas." At least kung pupuntahan man ako ng lalaking 'yon ay may kasama ako.
"Ilang taon na raw ang Ariel na yan? Oy bes, baka siya na ang forever mo!" sabi ni Ellie na parang na-excite sa takbo ng aming kwentuhan.
"Ay grabe ka din mag-assume bes! Na wrong number lang, forever kaagad?"
"Who knows?"
Tumawa ako at sinabayan ang pagkapraning ng aking kaibigan. "Depende. Kung magandang lalaki naman, why not coconut? Tutal last sem ko na 'to, hindi naman siguro nila ako itatakwil kung makikipagrelasyon ako ngayon."
"Hmm hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan. So paano, pwede na ba akong mag-absent bukas?"
"Yan ang huwag na huwag mong gagawin, magtatampo talaga ako sayo, pwamis yan!"
"Okay fine. Gusto ko pa sanang magtelebabad kaya lang may tatawagan ang tiyuhin ko. Bukas na lang natin ituloy ang chikahan, bye na."
"Sige, bye."
Sakto namang bumalik na si Ate Mai at ibinigay ko sa kanya ang karagdagang bayad sa payphone. "Hindi pa ba kayo magsasara?"
"Mamaya pa. Umakyat ka na upang mag-aral. Hmm..gusto kong subukan ang proflavanol. Kung type ko, saka na ako oorder ng isang bote."
"Thanks, Ate Mai. At dahil suki talaga kita, kukunin ko na ngayon din ang supplements mo at babalik ako kaagad!"
Patakbo akong umakyat hanggang third floor kung nasaan ang aking silid. Dalawang ziplock plastic ang aking kinuha at nilagyan ng Proflavanol C100.
Pababa na ako nang umilaw ang along cellphone. Binuksan ko ang mensaheng dumating na galing sa isang unregistered number. Nag hi lang naman ito kaya nireplyan ko din ng hello. Pero hindi natapos sa hi at hello ang lahat. May sumunod pang text message.
"Si Ariel ito, ang nakausap mo sa phone kanina."
"Ah, ikaw pala 'yon! Napakasinungaling mo! Bakit nagpanggap kang tinawag si Helena kanina eh alam mong wrong number ang na-dial ko."
"Ha? Totoo namang busy si Helenita kanina, eh."
"Helenita?"
"Yup, pero ang palayaw niya ay Helen o Helena."
Napaisip ako. Kung ganun ay coincidence lang talaga ang lahat? "Whatever." Iyon ang huli kong text sa kanya bago bumaba para ibigay kay Ate Mai ang kanyang vitamin c.
Pagbalik ko, nakailang miskol na ang lalaki at sampong text na nagtatanong kung tulog na ako. Hindi ba into naisip na malamang ay natutulog na dahil hindi na nga ako nagreply, di ba? Common sense! Nakakaloka talaga ang isang 'to. Mabuti pa ay matulog na lang ako ng maaga para may sapat na oras pa ako bukas upang tumambay sa library. Baka makita ko si Chester sa library bukas.
Handa na akong matulog nang tumunog ang aking cellphone. Si Ariel! Sasagutin ko ba? "Hmmm hello?"
"Hi Erin, akala ko nakatulog ka na. Hindi ka na kasi nagreply sa mga text ko."
"Ganun na nga, bakit ka napatawag?"
"Wala lang. Masarap kasi pakinggan ang boses mo, eh."
Char! Nabigla ako sa sinabi niya at hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin. "Bolero."
"Totoo nga, promise. Pwede bang mamaya ka na lang matulog?"
"Bakit?"
"Usap muna tayo," sabi ng lalaki sa kabilang linya.
"At ano naman ang pag-uusapan natin?"
"Kahit ano lang, pwedeng tungkol sa akin o tungkol sayo."
"Ah, parang getting to know each other, ganun ba? Eh di, tanungin mo na lang ako."
"Cool! First question, virgin ka pa ba?"
Ganito na ba talaga kababaw ang mga lalaki ngayon? At walang respeto sa mga babae! "Honestly, not anymore." I lied.
"I see. So, kailan mo isinuko ang bandila mo?" At may bandila pa itong nalalaman, hah!
Goodness gracious! Talaga bang pag-aaksayahan ko ito ng oras eh halata namang bored lang ang lalaki na naghahanap ng good time. "Last month lang," sabi ko.
"So, may nobyo ka na pala!"
"Wala akong nobyo. Kailangan ba talaga na nobyo ko siya?"
"You are so cool! So, open-minded ka pala. Kung sakaling magkita tayo bukas, can I kiss you?"
"Why not?" As if, magkikita kami bukas!
"So, girlfriend na kita?"
Ansaveh? Girlfriend agad? Bilib na talaga ako sa isang 'to. Parang si Cardo Dalisay ng Probinsyano, isang alamat! "Depende sa magiging performance mo bukas. So, tulog na tayo?"
"Wait lang."
"Bakit na naman?"
"Dapat may tawagan tayo."
"ANO?" Gulat naman ako, hindi dahil sa kaputiang dulot ng tide, kundi sa takbo ng aming usapan. Wala pa nga three hours, magnobyo na raw kami, tapos kailangan ay may tawagan pa. Tulad ng ano naman kaya? Honey pie? Sugar bunch? Cupcake?
"Ganun dapat ang magnobyo, mayroong terms of endearment."
Feeling ko ay isang matandang manyak itong kausap ko sa phone. Siguro ay baldado na ito at sa telepono na lang naghahanap ng libangan. If that's the case, then I don't have to be nervous tomorrow. "Wala akong maisip, ikaw na ang bahala. Just call me tomorrow, same time. Bye."
"Goodnight."
"Goodnight din, bye." Pinagsisihan ko Kung bakit sinagot ko pa ang tawag niya, kailangan ko tuloy na bumili ng panibagong sim card bukas.