bc

Territorial Kings: Tamed by the Sexy God

book_age18+
2.4K
FOLLOW
5.3K
READ
possessive
dominant
badboy
band
student
sweet
bxb
campus
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Blurb 

"Hindi ko alam kung anong trip mo sa buhay Grimore, pero naiinis na talaga ako sa ginagawa mo!"

"How many times I'll tell you na hindi ko kailangan ng mga ito!"

Binato lahat ni Wax Frevas ang bulaklak at chocolate na personal na binigay ni Apollo. 

'Gosh! Totoo ba ito ni-reject niya si Apollo.'

'Ang lakas naman ng loob ng baklang 'yan.'

Naiyukom ni Wax ang kamao matapos marinig ang bulungan ng mga kaklase. 

"Ano bang gusto mo bibilhim ko?"

"Ayaw mo ng bulaklak at chocolates anong gusto mo?" may ngiti na tanong ni Apollo na mas kinausok ng ilong ni Wax. 

Hindi niya alam kung anong sumapi sa binata pero hindi nito nagugustuhan ang nagagawang atensyon ng lalaki. 

Sa tyura pa lang ng nagngangalan na Apollo Grimore imposible na magkagusto ito sa kanya at seryoso ito sa panliligaw. 

Isa lang naman siyang simpleng lalaki. Isang commoner na hindi mo tatankain na dalawang beses na tingnan pagnadadaanan. Chubby, medyo maitim, may pango na ilong at kulang sa height. 

Ikukumpara sa isang Apollo Grimore na kahit sinong tao iikot ang ulo 360 degrees dahil hindi mo maalis ang tingin sa gwapo nitong mukha. 

Hindi din ang tipo ng lalaki ang magi-sway dahil lang sa kanya. 

Ilang months na iyon ginagawa ni Apollo at lahat na ng pambubully ng mga ka-schoolmates niya naranasan niya na dahil sa lalaki. 

chap-preview
Free preview
01
Chapter 01 3rd Person's POV "Nagpapatawa ka ba? Sino naman magseseryoso sa panget na katulad mo?" "Kung hindi ka lang mayaman hindi kita papatulan." Parang binagsakan ng langit at lupa si Wax Frevas matapos marinig iyon sa pang-apat na naging boyfriend niya na ngayon ay ex niya na dahil nahuli lang naman ito ni Wax na nakikipaglampungan sa besfriend nito. Naiyukom ni Wax ang kamao matapos iyon marinig. Gusto niya maiyak pero masyado na siyang pagod para duon. Hindi na lang ito umimik at tumalikod sa kabila ng mga tawanan ng mga tao na nasa paligid niya. Iyon ang huling scenario na naalala niya sa huling naging boyfriend niya 'nong 2nd year highschool pa siya. Lahat ng naging boyfriend niya mga gwapo kaya sinumpa ni Wax na hindi na siya magmamahal ng gwapo. Hindi na din siya magbo-boyfriend at magfo-focus na lang sa pag-aaral katulad ng una nitong plano. "Oy bakla! Nabalitaan mo na ba ang dami ngayong transferee sa kabilang building tapos ang gagwapo!" "Manahimik ka nga Chloe may boyfriend kana," bored na sagot ni Wax habang nakahalumbaba at nakatingin sa labas ng bintana. "Gosh! Kung isa sa mga 'yon ang magiging boyfriend ko ibe-break ko agad si Ken hihi." "Joke lang!" ani ni Chloe kay Wax matapos siya samaan ng tingin ng binata. Alam kasi ng babae na ayaw ni Wax sa cheater. Siguradong babalatan siya ng buhay ng kaibigan kapag sinubukan nito man-cheat. "Anyway, nasa labas sila ayaw mo tingnan?! Baka nanduon na ang destiny mo!" Hinila-hila ng dalaga si Wax at inaaya sa labas. "Sinabi ko na Chloe hindi na ako interesado sa kanila." "Ohmy! Don't tell me girl na din ang hanap mo?!" Inismidan ni Wax si Chloe at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. "Pare-pareho lang naman sila. Mga mukhang pera." Hindi maiwasan ni Chloe na mag-alala matapos makita ang lungkot sa mukha ni Wax. Matapos nga ang break na nangyari 3 years ago sa last boyfriend nito na si Gian Cuangco. Hindi na nakitaan ang kaibigan na nagkainteres pa sa ibang lalaki. Tao pa din ito alam niya naa-attract pa din ito pero hindi na ito iyong tipo na magmo-move o hahayaan ang ibang lalaki na mag-take ng one step pa palapit sa binata. Mabuting tao ang kaibigan. Tutulong ito hangga't kaya niya. May mabuti din itong puso pero karamihan sa mga taong iyon tini-take advantage na ang lalaki kaya dumating sa punto na unti-unti ng nagbabago ang kaibigan. Tumutulong pa din ito pero tuluyan ng nawala ang ngiti ng binata na lagi niyang nakikita. "Fine, kung ayaw mo na ng boys. Sige support kita prend. Basta lagi mo lang tatandaan na I'm always here okay. I'll support you no matter what happened." Umupo ang dalaga sa tabi ni Wax na kinangiti ng binata. "Maraming salamat, Chloe. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka." "Aww, ang sissy Wax ko," niyakap ni Chloe ang kaibigan na pareho na lang natawa sa drama nila. "Kung hindi lang ako aware sa gender orientation ni Wax. Siguradong pagseselosan ko na din siya." "Si Wax niyayakap mo tapos ako bawal yumakap sa iyo?" Pabiro na sambit ni Ken na basta na lang sumulpot sa classroom nila. Umismid ang babae at nag-cross arm matapos makita ang lalaki. "Sissy ko si Wax tapos ikaw boyfriend ko. Kapag nag-hug kaming dalawa walang malisya pero kapag ikaw. Hindi pwede dapat kasal mo na bago hug!" "Tama 'yan sisssy Chloe! No wedding no touch." Napasapo na lang si Ken sa noo sa idea na bad influence ang kaibigan nito sa relationship nila. Pero ni isang segundo hindi siya nagalit sa besfriend ng kaibigan nito na si Chloe. Ito ang dahilan kung bakit sila going strong ng girlfriend sa kabila ng set up nila na iyon. Sa tatlong taon na relationshio nila hanggang holding hands lang silang dalawa ng girlfriend na kinasanayan niya na din nang magtagal. Dahil duon sa set up na iyon mas tumaas ang respeto niya sa mga babae specially sa kasalukuyan na girlfriend nito. — "Naku! Akala ko ba magda-diet kana sissy Wax. Dadagdag na naman ang timbang ko 'nan." "Whose care? Food lang ang kaagapay ko hanggang sa mga panahon na ito. Pagkain na lang ang nakakapagpasaya sa akin. Titipirin ko pa ba?" ani ni Wax na sunod-sunod ang paglantak sa hawak nitong anim na sandwich, tatlong bottled ng apple juice at apat na junk foods. "Whatever, katawan mo naman 'yan basta huwag kang iiyak na naman sa akin at magrereklamo kapag tumaas na naman timbang mo." Naglalakad na pabalik sa building nila sina Chloe, Ken at Wax nang makarinig sila ng mga hiyawan galing sa field na madadaanan nila. "Wax! Ayon sila! Iyong mga sinasabi ko na transferees!" Hinila-hila ni Chloe ang braso ni Wax na hindi 'man lang nag-abala tumingin. "Sinabi ko na hindi ako interesado sa kanila." Binuksan ni Wax ang junk food na hawak at magpapatuloy siya sa paglalakad nang may soccer ball na tumama sa paa niya. 'Apollo! Bakit mo ba tinititigan lang 'yong bola!' Yuyuko si Wax para damputin iyon nang may lalaking lumuhod sa harap niya at siya mismo ang kumuha ng bola. Napatigil si Wax nang mag-angat nang tingin ang lalaki at magtama ang mata nilang dalawa. Natulala si Wax matapos makita ang binata na bahagyang nagtaas ng gilid ng labi matapos makita ang binata. "Salamat," bulong ni Apollo na kinatayo ng ayos ni Wax. Bahagya niya hinilig ang ulo at duon nakita niya na madaming nakatingin sa kanila. Kasama na duon ang apat na tao na nasa field. Napalunok si Wax at napatingin sa lalaking nasa harap niya na tumayo na din hawak ang bola. Pawisan ito kaya bahagya nitong pinunasan ang mukha gamit ang kwelyo ng suot nitong uniform. Nagtilian ang mga tao na nanduon matapos ngumisi ang lalaki. "I'm Apollo," pakilala ni Apollo bago inaboy ang kamay kay Wax na kasalukuyan pa din nakatulala kay Apollo. Hindi maka-get over sa mala-greek god na features ng lalaki. Iaabot ni Wax ang kamay nang agad iyon bawiin at pilit na binago ang expression. "Hindi ko tinatanong ang pangalan mo." Muntikan na matumba si Chloe sa kinatatayuan na kasalukuyan na hihimatayin sa kilig at napurnada lang dahil sa biglang pag switch ng mood ng kaibigan. Nilampasan ni Wax si Apollo. Napayakap ng mahigpit si Wax sa mga pagkain na dala-dala. Pinagpasalamat na lang talaga ni Apollo na pinanganak siyang maitim dahil kung hindi mahahalata na nito na namumula siya. Masyado siyang obssesed sa magagandang mukha at hindi iyon maiaalis sa sistema niya. Isama mo pa na kahit yata fetus kayang mapa-in love ng kupal na nagpakilala sa kanya. Sinundan lang ng tingin ni Apollo si Wax. Hanggang sa gumuhit dito ang kakaibang ngiti. "Si Apollo ba nakikita ko kanina?" "Tumingin siya sa mata 'nong bansot na estudyante kanina." Bahagyang nilingon ni Grim Vergara ang kaibigan mula sa net. Siya ang kasalukuyang goal keeper at hinihintay niya ang bola na hindi na nakarating sa kanya dahil kay Apollo na hindi na nakaalis sa pwesto matapos lampasan ng lalaki na muntikan nang matamaan ng bola. "Oy Apollo. Meron na lang tayong 6 minutes before matapos ang klase. Malapit na ako tubuan dito ng ugat sa tagal niyong kumilos," bored na sambit ni Grim habang nakatungkod ang isang braso sa bakal ng net at nakatingin kay Apollo na naglalakad na pabalik sa field. "May nakita lang akong black panther. Guess what. I like him." Muntikan nang matumba si Elliseo Revolledo sa kinatatayuan matapos marinig ang sinabi ng leader nila. "Maitim lang iyon pero ang layo ng tyura niya para maging black panther. May problema ka ba sa mga mata mo Apollo?" tanong ni Jaxon Gueverra. Ngumisi si Apollo at binato kay Grim ang bola. "Stop interfering my business Gueverra," sagot ni Apollo na kinatinginan nina Grim at Elliseo. Nilingon muli ni Apollo ang building kung saan tumungo ang lalaki na nakita niya kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
362.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.4K
bc

NINONG II

read
618.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook