02

1179 Words
Chapter 02 3rd Person's POV Napasabunot sa sariling buhok si Wax dahil sa reality na hindi na nawala sa isip niya ang mukha ng lalaki lalo na at araw-araw na siya nitong pinupuntahan sa classroom na nagiging reason para magkaroon ng paulit-ulit na komusyon duon. "Kyaah! Ohmygosh! Sissy! Totoo ba ito! Almost one month kana yata sinusuyo ni Apollo!" "Gosh! Ang haba ng hair mo natatapakan ko na!" Natutuwa na sambit ni Chloe habang hinihila ang braso ng kaibigan. "Kung walang sira ang mata ng Apollo na iyon may sakit iyon sa utak!" Nabitawan ni Chloe ang kaibigan matapos mag-angat ng tingin ni Wax at makita ng kaibigan ang pangingitim ng ilalam ng mata ng binata. "Sissy, mukha ka ng panda. Normal class ngayon walang costume party." Napasubsob si Wax sa lamesa. Wala siyang tulog ng ilang gabi dahil sa hanggang sa panaginip niya binabangungot siya sa gwapong mukha ng sinasabing leader ng TK which is isa pala ang lalaki na iyon sa founder at leader ng sikat na banda. "Ano ka ba sissy? Bakit ba galit na galit ka kay Apollo? Mukha naman seryoso sa iyo 'yong ta—." "Seryoso my ass. Siguradong may kailangan lang sa akin ang loko na iyon kaya ako ginugulo!" 'Kyaah! Andiyan na si Apollo!' "Sissy! Andiyan na si Apollo!" Binuksan ni Wax ang bag niya na kinatingin ni Chloe. "Hihi! Kahit may eye bag ka maprend maganda ka pa din. Hindi mo na kailangan mag make up." "Make up? Sinong magma-make up?" Napatigil si Chloe nang ilusot ni Wax ang ulo niya sa bag matapos ipatong sa lamesa. "Sabihin mo patay na ako. Huwag niya na ako guluhin." Napatakip ng bibig si Chloe para maiwasan tumawa nang makita si Apollo na naglalakad palapit sa kanya. "Masyadong maliit ang bag na iyan para itago ang buong katawan mo baby panther." "Huwag mo daw siya guluhin patay na daw siya," sabat ni Chloe na nakatakip ang bibig na kinataas ng gilid ng labi ni Apollo. "Suffucation? Willing ako magbigay ng CPR anytime." Hinila ni Apollo ang bag na kinatigil ni Wax. Napasandal siya sa sariling upuan nang itungkod ni Apollo ang dalawang braso sa magkabilang gilid ng kinasasandalan ni Wax. Hindi nakaapila si Wax matapos ilapit ni Apollo ang mukha sa lalaki. "Akala ko pa naman kailangan mo ng CPR ngayon." Nanlaki ang mata ni Wax at naitulak si Apollo na natawa ng mahina dahil sa reaction ng lalaki. "Ano na naman kailangan mo Mr.Grimore?" kunot noo na sambit ni Wax. "Binilhan lang kita ng mga pagkain. Hindi kasi ako nakabili ng bulaklak ngayong araw." Napatigil si Wax matapos kuhanin ni Apollo ang dalawang plastic bag na puni ng junkfoods, chocolates at drinks. Binaba iyon ni Apollo sa table niya. "Pwede na bang replacement iyan sa mga bulaklak." "Unang-una Mr.Grimore tao ako hindi baboy para alayan mo ako ng ganito kadaming pagkain. Pangalawa hindi kita inoobliga na bigyan mo ako ng bulaklak araw-araw para bigyan mo ako ng ganito kadaming pagkain as a replacement." Tumayo si Wax at inabot iyon kay Chloe at Ken. "Ipamigay niyo 'yan sa mga classmate natin. On diet ako ngayon hindi ko kailangan iyan." Tiningnan ni Wax si Apollo na nakapamulsahan lang nakatingin kay Wax. Hindi mabasa ni Wax ang iniisip nito, wala din pinapakita ito na ibang expression maliban sa mas naaliw ito kapag naiinis siya. Ni wala nga yatang pride ang lalaki dahil kahit anong gawin ni Wax na pagpapahiya sa binata mukhang wala lang itong pake. "Then anong gusto mo baby panther? Sisimulan na ba kita 'gawan ng vegetable salad at ilang healthy foo—." "Ang gusto ko? Umalis ka ngayon ss harap ko! Bakit ba hindi mo maintindihan na ayokong nakikita ang mukha mo! Naiinis ako!" "Naiinis ka sa mukha ko?" "Ulitin mo pa! Ayoko sa mga gwapo lahat kayo manloloko! Kaya pwede ba tigilan mo na ako! Maghanap ka ng ka-level mo! Lumabayan mo ako!" Bulyaw ni Wax bago mabibigat ang paa na lumabas ng classroom. Napatigil si Chloe nang saktong pagtapak ni Wax sa labas ng classroom nila. Nag-iba ang expression ni Apollo. Lumamig ang paligid at nag-iba ang tingin nito. Kusang tumabi ang mga estudyante matapos makita ang side na iyon ni Apollo. "Nasabi ko na ba na naging classmate ako ni Apollo 'nong first year," ani ni Ken na kinatingin ni Chloe. "Sa nakita ko kanina mukhang iyon ang totoong Apollo natatakot ako para kay Wax." Tiningnan ni Ken ang kasintahan. "Iyong nakita mo kanina na Apollo iyon ang tunay na Apollo. Iyong Apollo na nasa harap kanina ni Wax kahit kailan hindi ko pa iyon nakita." "Walang binibigyan ng bulaklak si Apollo, wala din ito tinitingnan sa mata kahit pa 'yong apat na laging kasama ni Apollo. Si Wax lang ang tiningnan niya ng 'ganon kaya sa tingin ko mali ang pagkakakilala ni Wax." "Anong sinasabi mo? Gusto mo ba tulungan natin sila?" "Paano kung saktan lang ng taong iyon si Wax? Gusto din ng pera at—." "Walang dahilan si Apollo para lumapit kay Wax dahil sa pera. Maimpluwensya ang pamilya ni Apollo, independent din si Apollo at isa pa compare kay Wax mas mayaman 'yong apat na laging kasama ni Apollo. Walang dahilan para habulin niya si Wax." "Kilala ko si Apollo. Sa lima si Apollo iyong masasabi mong iwas sa mga tao. Ma-pride, bad temper at masyadong submassive pero iba iyon sa nakita ko kanina habang kaharap niya si Wax kaya nagulat ako kahapon 'nong kinukwento mo si Apollo sa akin. Akala ko ibang Apollo 'yong tinutukoy mo." "Ihh! Ang dami mong alam! Kwentuhan mo pa ako bilis! Tapos pag-usapan natin ang gagawin para matulungan si Wax hihi." — "Ano? Na-reject ka na naman?" may pang-aasar na sambit ni Elliseo matapos makita si Apollo na nakaupo sa teacher's table at pinagdidiskitahan ang white board na nasa harapan. Nagda-drawing ito na naging past time na nito kapag wala sa mood. "Kung gusto mo lumabas ng kwarto na ito na hawak lang ang gitara mo. Manahimik ka kung ayaw mong habang buhay kong i-stuck iyang gitara sa leeg mo." Napangiwi si Elliseo at niyakap ang gitara na hawak niya habang naglalakad pabalik sa upuan kasunod sina Jaxon na tatawa-tawa lang. Hindi na bago sa kanila ang mood na iyon ni Apollo lalo na at sa kanilang grupo ito ang pumapangalawa kay Grim Vergara sa pagiging bad temper. Kung hindi lang siguro ito tinuturing na leader ng banda at wala itong inaalagaan na image. Baka laging may world war lV sa grupo nila dahil may mga miyembro silang dragon at mala-hitler. "Damn it!" Napatingin sina Elliseo nang may lumipad na upuan papunta sa unahan matapos iyon sipain ni Grim na kasalukuyang madilim ang expression. "Iyong totoo. Nasa classroom ba tayo o nasa antartica." "No, nasa impyerno tayo. Dapat talaga pumunta tayo exact 4pm eh." "Kasalanan mo lahat ng ito Jaxon." Halos magsiksikan na ang tatlo sa kabilang sulok ng kwarto matapos makita ang black aura na pumapalibot sa lalaking nasa unahan at sa binatang nasa kabilang bahagi ng kwarto na kasalukuyang masama ang titig sa sira-sirang upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD