Chapter 40 3rd Person's POV Literal na napanganga ang mga katulong at butler na mga nandoon matapos makita ang TK na mga nakasuot ng pambabae. Muntikan pa sila mabaril ng mga gwardya na si Apollo mismo ang nag-hired. "Ayos lang ba nakita nila tayong ganito?" tanong ni Keehan kay Apollo na hawak ang phone niya. Tinutukoy ni Keehan ang mga tauhan na kasama nila sa bahay. "Galing sila sa isang agency at wala silang mga sariling phone. Hindi niyo kailangan mag-alala," sagot ni Apollo bago tiningnan si Jaxon na napamura matapos matapilok dahil sa heels nito na suot. "Elliseo, iyong bra mo nasa tiyan mo na," ani ni Keehan na kinatakip ni Elliseo sa dibdib niya. "Bakit hindi mo kinabit?" tanong ni Apollo. Napangiwi si Elliseo. "Masikip at isa pa hindi ako komportable. Paano ito na