Chapter 35 3rd Person's POV Pumasok si Wax sa kwarto kung saan siya lumabas kanina. Nakita nga niya doon si Apollo ngunit may hawak itong beer. Agad lumapit sa binata si Wax at kinuha nito ang hawak na beer ni Apollo. "Masama sa katawan ang alak, Apollo at bawasan mo din ang paninigarilyo ko." "Kailangan ko iyan para kumalma," sagot ni Apollo na may pagkadisgusto sa mukha. Hindi nakasagot si Wax dahil hindi niya nakita ang ganitong side ni Apollo 'nojg highschool sila pati ang mga habit nito. Niyakap ni Wax si Apollo sa bewang matapos ibaba ang beer at sigarilyo ni Apollo sa study table. "I'm sorry kung nairita na naman kita. Ayoko lang ng sobrang bongga na kasal. I don't mind kung saan naman tayo ikakasal as long as ikaw ang papakasalan ko kahit pa sa sementeryo tayo ikasal ayo