Chapter 51 3rd Person's POV Nang gabi na iyon— dahil wala naman tutulugan sina Wax sa hospital. Matapos ipalinis ang palapag. Napagpasyahan nila na umuwi na din. Kailangan din ni Chloe magpahinga lalo na at masama sa buntis ang pagod. Nagtatawanan na bumalik sina Wax sa sasakyan dahil pinakita ni Gaizer anv mga screen shot niya sa party ng TK. "Send mo din sa akin iyan ah para kapag nambabae si Elli— ipapakita ko lang iyan sa kanya at sasabihin ko ikakalat ko sa social media kapag hindi pa siya tumino," ani ni Miguel na binubuksan ang likod ng van kung saan nila ilalagya ang mga regalo nila para kay Wax. "Sa akin din! Send mo," ani ni Wax. Kasalukuyang nagtatawanan ang tatlo nang may mga lalaking lunapit sa kanila. "Anong kailangan—" "Gaizer!" sigaw ni Wax nang makitang bigla