Chapter 29 Wax Frevas's POV Sa tatlong araw na pananatili ko dito sa mansyon. Katulad ng dati lagi akong pumupunta sa park na mukhang naabandona na din. Wala na gaanong mga bata dito. Umupo ako sa paborito kong swing at tinulak ang sarili para gumalaw ang swing. Binuksan ko ang hawak kong chips at sinimulang kainin iyon. Biglang lumakas ang hangin. Sa paglipad ng mga dahon nabitawan ko ang hawak kong junk food. Kinusot ko ang mata ko bago yumuko. Kukuhanin ko iyon ng may pares na sapatos na tumigil sa harap ko at may naunang mga kamay ang nag-abot noon na kinatingala ko. Nagulat ako matapos ko makita si Apollo. Ngunit paano siya nakarating dito? Umayos ako ng upo matapos iabot ni Apollo ang pagkain ko. "Anong ginagawa mo dito? Malungkot ka na naman ba?" Bahagyang nag-skip ang