~oOo~ "What f**k are you doing here, Zeus? f**k!" Malakas na sigaw niya. Hindi ko pinansin ang malakas at galit na sigaw ni Angelo, masaya lang akong nakayap kay Zeus. Na miss ko kase siya. Mahigpit din akong niyakap ni Zeus at narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Hanggang ngayon seloso pa rin ang gagong 'yan." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Zeus. Kumawala ako sa pagkayakap sa kanya at binigyan ko siya nang matamis na ngiti. "Kamusta ka na, Zeus? Na miss kita." Sumulyap siya sa likuran ko bago sumagot sa tanong ko. "Okay lang naman ako, ikaw? Okay ka lang ba rito?" Tila nag-aalala niyang tanong sa akin. Tumango ako sa kanya at binigyan siya nang ngiting ikakapanatag niya. Ginulo niya ang buhok ko. "What are you doing here, asshole?" Naiinis na ulit tanong ni Angelo sa kanya.