~oOo~ Ang mga sumunod na araw ay hindi naging madali sa akin, aaminin ko kinakabahan ako kase darating na ang kinikilalang Mommy ng anak ko. Hindi ko yata alam ang gagawin ko, saan ba ako lulugar kapag nar'yan na siya? Do I need to distance myself from my child? Kapag ba narito na ang Mommy niya ay kakailanganin niya pa kaya ako? I guess not, baka nga kapag narito na ang Mommy niya ay pauwiin na ako ni Angelo sa Davao eh. Hindi ko man lang nasulit muna ang pagiging Mommy ko sa anak ko. Sa pagkain namin ngayon ng agahan sa dinning table ay masayang nagkwe-kwentuhan ang mag-ama, ganoon din sina Mang Mario at Manang Minda, habang ako ay tahimik lang. Simula ng nalaman ko na uuwi na ang kinikilalang Mommy ng anak ko ay naging tahimik na ako. Hindi na nga yata ako nagsasalita. I barely talk