~oOo~ Mag-iisang buwan na ako sa kanila ni Sister Cecile at tama nga siya, may orphanage nga sila. Maraming bata rito at mga matatandang wala ng pamilya, mayroon din namang kasing edad ko lang. Noong una ay nahihiya pa ako at pinilit kong maghanap ng trabaho, pero wala talaga akong mapasukan. Lahat sila sinasabi sa akin na hindi ako qualified, walang bakante o tatawagan nalang ako sa susunod na mga araw, ngunit wala naman akong natatanggap na tawag. Nanlulumo akong nakaupo ngayon sa bench sa may Garden ng orphanage, pansamantala lang naman ako rito sana. Ang sabi ko kase sa kanila ni Sister Cecile ay aalis kaagad ako kapag nakahanap na ako nang trabaho. Sobrang nahihiya na talaga ako sa kanila. Tumutulong din naman ako rito sa orphanage o mas kilalang Sweet Haven, mga mababait sila rito.