~oOo~ Nasa loob kami ngayon ng library kase pag-uusapan namin ang gaganaping anniversary ng Sweet Haven, magtu-twenty years na itong tumutulong sa ibang tao. Pupunta raw ang maraming sponsors ng SH at pati na ang mga pulitiko na patagong tumutulong sa amin. Lahat ng volunteers ay naririto para magsuggest ng pupwede naming gawin, may mga palaro, intermission number at kung anu-ano pa. We only have two months to prepare bago ang anibersaryo ng SH. After a month na nagkita kami ni Zeus dito mismo ay sinabi sa amin ni Sister Cecile na may bago na naman kaming sponsor, dalawa pa raw ito at galing ding Maynila. Mga pribadong tao raw din ito at namamayagpag ang business sa Maynila. Lahat kami natuwa kase makakabili na kami nang mga kailangan ng mga bata, like gamot, mga libro, damit, pagkain sa