"Lola! Kuya Arlott!" Malayo pa ay sumisigaw na si Marilag habang kumakaway pa ito papalapit sa kanila. Nauna pa lang makauwi ang mga ito kaysa sa kanila. Suot pa rin ni Marilag ang kulay pink na bestidang suot nito kanina habang tinatanong kay Zandro kung maganda ito. Nainis talaga siya kaya kahit na gandang-ganda siya dito ay sinabi niya bigla na pangit ito kasi naman bakit kailangan pang itanong kay Zandro kung maganda ito? Pwede namang sa kanya na lang o kaya ay kay Lola Nena, bakit pati kay Sandro pa tinatanong nito? Ganoon na ba kalapit ang dalawa o gustong-gusto talaga nito na mapalapit ng husto kay Zandro? Baka ayaw na nito sa kanyang magtanong dahil mas mahalaga na dito si Zandro. O baka naman nais nito na dalawa ang Kuya nito kaya ngayon ay ganito ito kay Zandro. Baka hindi na