Samantala "Ganito ang balatan Arlott, ito ang kailangan nating makuha para ito ang pambenta natin ng tayo ay may panggastos. Ito ay tinatawag nila sa ingles na sea cucumber medyo may kamahalan ang kilo nito kaya naman nagtatyaga kaming pamilya na manguha ng ganito dahil malaking tulong ito sa amin. Liban pa iyong paghahanap namin ng makakain sa karagatan katulad ng isda, mga shell, alimasag, pusit, pugita at kung ano-ano pang pwede naming pambenta." mahabang pahayag ni Lola Nena kay Arlott habang hawak-hawak nito ang balatan o sea cucumber. "Ah, ganyan pala po iyon. Okay po Lola alam ko na po ang itsura niya. Sana po maturuan niyo pa ako ng ibang pang mga maaaring hulihin na laman dagat para naman po makatulong ako sa inyo. Ang alam ko lang po kasi iyong mga nahuhuli sa sapa. Katulad po