Paalala: Sa mga stress na, huwag niyo na po basahin ang chapter na ito baka madagdagan lang ang stress niyo tsarrr Candy's POV PAGKATAPOS ng nangyari ay gumawa na lang kami ni Kyle ng avocado shake. Hindi naman siya matigil sa pangungulit sakin. Pagkatapos ng lahat -lahat. Nakita na kami ng bago namin kasama rito sa bahay ay ayaw pa rin niya tumigil. Nauna akong umakyat sa itaas dahil may kausap pa sa phone si Kyle. Tamang-tama naman na may tumawag sa kaniya. Pagpasok ko ay narinig kong nag-ring ang aking phone. Kinuha ko iyon mula sa table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Hindi ko inaasahang tatawag si Karen. Hindi pa kami magkaayos noong huli namin pag-uusap. Nagdadalawang isip akong sagutin ang tawag niya. Hindi ko pa nasasagot ang tawag niya ng bumukas ang pintuan ng kwart

