Candy's POV "KYLIE, puwede mo ba 'kong alalayan palapit sa kuya mo?" nanghihina na pakiusap ko. Para kasing wala na akong lakas na tumayo pa. Nagpatuloy sa pag-alalay sakin si Kylie. Inalalayan niya akong makalapit ng tuluyan sa kinaroroonan ni Kyle. Napatayo ako sa kaniyang harapan. Sinikap kong hindi manlambot ang aking mga tuhod. Bumitaw ako mula sa pagkakahawak ni Kylie sakin. Tinitigan ko sa mga mata si Kyle. Ganoon din siya sakin. Unti-unti kong hinubad sa aking daliri ang aking singsing. "Alam mo, isinantabi ko lahat ng hinala ko dahil mahal kita. Mahal kita, Kyle...sobrang sakit lang dahil ang dalawang taong mahal at malapit sakin ay niloko lang ako." pumiyok ng tuluyan ang boses ko. Wala na akong pakialam kahit marinig pa ni Kylie. "I tried to learn to cook, because of you Ky

