Prologue
Napabuntong hininga ako habang binabasa ang mga papeles na dapat kong pirmahan napahilot ako bahagya sa sintido ko at sumandal para kahit papano makapagpahinga ako.
Itong mga nakaraang araw mas naging busy ako dahil sa sunod sunod na trabaho ko wala naman akong choice dahil pag hindi ako nagtrabaho pano na ang mga anak ko?.
"Mommy are you okay?"napamulat ako dahil sa malamig at walong kaemoemosyon na tinig ng lumingon ako sa may bintana nanlaki ang mata ko ng makita ko ang anak ko na limang taon na gulang na nasa bintana.
"My god zeus! what are you doing here!"sigaw ko at mabilis na dinaluhan ang anak ko ng makita ko ito sa railing ng binatana at binuhat ko si Zeus my gosh pano kung may makita sa batang toh.
"Cia wants to see you so?I'm here to fetch you mom."napasapo ako sa noo ko ag dahan dahang inupo si Zeus sa sofa dito sa opisina ko.
Maya maya pa ang uwi ko ang dami ko pang tatrabahuhin.
"Saan ka dumaan?"tanong ko nameywangan sa harap ng anak ko.
Nang salubungin ni Zeus ang mga mata ko bahagya pa akong natulala dahil ngayon ko lang napansin na habang lumalaki si Zeus unti unti nitong nakukuha ang physical features ng ama pati ba din ang paraan ng pagtingin nito.
Maputing balat,mapupulang labi,ang maamo nitong mukha ngunit malalamig at matalim nitong mga mata.
Napabuntong hininga na lang ako ng umiwas ito ng tingin sakin ilang beses ko na ba siyang pinagsabihan na wag dadaan sa bintana pano kung may makakita sakanya.
"Look son wag mo na ulit uulitin yun pano kung may makakita sayo"sermon ko at lumuhod sa harap ng anak ko para magkapantay kami.
"Mommy as if papasukin ako ng mga gwardya kung magisa lang ako"sagot niya ng hindi nakatingin sakin.
"Sana kasi tinawagan mo na lang ako diba?."ani ko ngunit hindi ito sumagot sa halip ay kinuha nito ang picture frame na nasa table ko lang.
Picture namin iyong dalawa ni Juno.
"Mom namimis mo na ba si dad?"tanong ng anak ko ng hindi tumitingin sakin.
"Hindi ko maintindihan mas mahalaga pa ba ang kaharian niya kaysa satin?."malamig na tanong ni Zeus na kinatigil ko ng bahagya.
"Tell me mom mas mahalaga pa ba para kay dad ang kaharian niya kaysa satin?."tanong ni Zeus at walang kaano anong tinaob niya yun sa lamesa ko at sinalubong ang tingin ko.
"Zeus hindi--."
"Kung isasagot niyo lang sakin dahil responsibilidad yun ni dad bilang hari wag na lang po kayo magsalita."putol ni Zeus bago tumayo at maglakad palapit sa bintana.
"Anak--."
"Hintayin ko na lang po kayo sa kotse."putol ni Zeus sakin bago tumalon ulit sa bintana na kinabuga ko ng hangin.
Minsan may disadvantage din ang magkaroon ng anak na matalino.
"Katulad ng inaasahan sa isang prinsipe."ani ng isang boses matapos kong tumayo mula sa pagkakaluhod ko.
"Ano nanaman kailangan niyo?."tanong ko at pinagpagan ang suot kong slack.
"Hanggang ngayon ba hindi mo pa din matanggap na isang bampira ang mga anak at asawa--."
"Wala akong pinagsisihan Franco lalo na ang mahalin ko si Juno at isilang ko sina Zeus pero bilang ina Franco hindi ko gustong mamulat ang mga anak ko sa magulo niyong mundo."naiinis na sagot ko at bumalik sa table ko."
"Pero alam kong alam mo din na hindi nararapat sa mundong ito ang kambal lalo na si prinsipe Zeus, Reyna Haycia."ani ni Franco bago yumuko at maglaho sa harap ko.
Tama ba ang desisyon ko?ilayo ang mga anak ko sa ama at sa mundong dapat sila nanduon?pero kahit papano masaya ako dahil ginagalang ni Juno ang desisyon ko na kung tutuusin pag ginusto niya, sa ayaw at gusto ko dadalhin niya ako sa kaharian at sapilitang ititira dun ngunit hindi niya ginawa.