Chapter1
Haycia Davies's POV:
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa tambak tambak na bulaklak sa desk ko at chocolates seriously?tapos na ang Valentines.
"Since ng magtransfer ka dito hindi na nawala yang mga bulaklak at chocolate diyan sa ibabaw ng desk mo."komento ni Yhana seatmate ko.
"Mga kalat lang ang mga ito."naiinis na komento ko at kinuha lahat ng yun at naglakad palabas ng room.
'Ang ganda talaga ni Haycia'.
'Mukha talaga siyang dyosa'.
'Sana maging kasing ganda din niya sa next life ko.'
'Asa ka pa noh.'
Napailing na lang ako ng marinig ko ang kanya kanyang komento ng mga kaklase ko ng lumabas ako sa room at tinapon ang lahat ng bulaklak at chocolate.
'My gosh!tinapon niya lahat ng yun.'
'Bitch.'
Sanay na ako marinig ang mga bulungan nilang yun sa araw araw ba naman na ginawa ng diyos kung hindi nila ako pupurihin o lalaiitin nila ako.
Isasara ko na sana yung basurahan ng may isang bulaklak na nakaagaw ng pansin ko nasa pagitan yun ng mga bouquet na bulaklak.
'White rose'
Mabilis kong kinuha ang bulaklak na yun at bahagyang inamoy ito yun ito yung gustong gusto kong bulaklak.
Ayoko ng bulaklak sa totoo lang ayoko ng amoy nito.
Pero iba ang bulaklak na ito na araw araw natatanggap ko iba ang amoy ng white rose na natatanggap ko kaysa sa mga white rose na nabibili sa mga ordinaryong flower shop, hindi ko alam kung kanino galing pero lagi ko itong inaabangan tila naadik ako sa mabangong amoy meron ang bulaklak na ito.
"Haycia kanino galing yan?."tanong ni Yhana pagkapasok ko ng room at nagtatakang nakatingin sa bulaklak na hawak ko.
"Akala ko ba ayaw mo ng bulaklak bakit--."
"Napakabango kasi nito Yhana amuyin mo."ani ko at inilapit yun sa ilong niya ng kuhanin niya yun at amuyin kumunot ang noo nito at tiningnan ako.
"Wala namang amoy Haycia o baka naubos mo na kasisinghot mo."natatawang sagot ni Yhana na kinasimangot ko kahit kailan talaga ang besfriend kong ito sarap kutusan.
"Okay class,I have a announcement."pareho kaming napatingin sa unahan ng dumating ang class advicer namin at tuloy tuloy na tumayo sa unahan.
"May idea naman siguro kayo sa Dabris Academy diba?".tanong ng advicer namin.
'Oh mygosh,!ang Dabris!.'
'Kyaaah!Sir!may magtatransfer ba dito na galing sa D.A?.'
'Ohmygod, I'm sure gwapo siya.'
Ani ng malalandi kong kaklase imbis pansinin sila humalumbaba na lang ako at bored na tumingin kay sir na kasalukuyang hinihilot ang sintido niya.
"No,Class walang magtatransfer na Dabris student dito."ani ni sir muntikan na akong matawa ng magreklamuhan ang mga kaklase ko.
Ano ba kasing meron sa school na yun?.
"Pero tayo ang maswerteng school na napili ng Dabris Academy para magpadala ng studyante sa kanilang eskwelahan para kumuha ng mga impormasyon at mabigyan ng pagkakataong makapasok sa mismong school na yun at I'm 100% sure na siguradong mas dadagsa ang estudyante dito pag nagkataon lalo na't taon taon yun mangyayari yon."ani ni Sir biglang natahimik ang buong klase at---
'KYAAAAH!!!."
'Makakapasok na tayo sa Dabris!.'
"Hindi pa ako tapos class."ani ni sir na kinatahimik ng mga kaklase lakas din nito ni sir eh.
Pabitin effect.
"Sad to say na hindi lahat makakapasok sa D.A dahil bawat year may tigsasampu lang na representative at sa bawat class room naman ay may dalawang rep. lang na kukunin."
"Teka Sir all boys ng Debris diba?it's means puro lalaki din ang kukunin?."Tanong ni Rex ang class president namin.
"No,napagusapan namin na limang babae at limang lalaki ang kukunin sa bawat year pero siyempre ang magiging mga rep.ay hindi basta lang uupo at iikot sa Dabris kailangan niyo din gumawa ng report at kumuha ng mga litrato dahil gagamitin natin yun para sa school purposes natin."ani ni sir na kinairap ko sa kawalan.
If I know gagamitin lang nila ang Dabris Academy para sa image ng eskwelahan.
Pero ang nakakapagtaka bakit ganun na lang kinteresado ang ibang school sa D.A ano bang meron sa eskwelahan na yun.
--
"Ohmygosh ang swerte mo girl kasali ka sa Rep."Tili ni Yhana pagkalabas namin ng room.
Yeah,kasali ako at hindi ko gusto yun dahil halos lahat ng kaklase kong babae masama ang tingin sakin kahit nakatalikod ako.
Wala naman akong magagawa.
"Davies may meeting daw sa library after lunch."ani ni Rex bago ako lampasan.
"Diba si Rex yung isa pang rep.?."tanong ni Yhana habang nakatingin kay Rex na naglalakad palayo.
"Sa lahat yata ng lalaki sa school natin siya lang yata ang walang gusto sayo ni hindi man lang nga ito tumitingin sayo eh."komento ni Yhana na kinailing ko.
"Hindi lahat ng lalaki porket maganda pwede ng magkagusto--."
"Iba ka noh Haycia hindi ka lang basta maganda hindi ka ba tumitingin sa salamin?kung nageexist lang yung mga greek gods katulad ng napagaralan natin nung highschool,hindi na talaga ako magtataka kung maging isa kang dyosa--aray!."daing niya ng hampasin ko siya ng libro sa ulo.
"Manahimik kana nga lang tara gutom lang yan."yaya ko kay Yhana at hinila na ito papunta sa Cafeteria.
Para sa ibang tao ang kagandahan ay biyaya,pero para sakin ito ay sumpa.
Dahil sa mukhang ito namatay ang mga magulang ko kaya sa murang edad magisa kong pinapatakbo ang company na pinaghirapan ng daddy ko na siyang bumubuhay sa sarili ko.
Sino ba namang tao ang gugustuhing bawat pagsubo at paglakad mo pinagmamasdan ka?wala naman diba? ultimo pag bahing mo maari kang purihin o laitin.