Chapter 2
Haycia Davies's POV:
Kasalukuyan kaming nasa isang bus habang papunta kami sa Dabris Academy.
Parang nasa loob na kami ng isang kagubatan.
"Gubat?andito ba ang Dabris Academy?."tanong ko kay Rex na katabi ko dahil kami lang ang magkaklase siya lang ang makakausap ko dito.
"Hindi ka nakikinig sa meeting kahapon noh?sa gitna ng gubat ang Dabris Academy dahil hindi required na lumabas ang mga estudyante sa eskwelahan na yun once a month lang pwede kaya nasa gubat."sagot ni Rex habang nakakunot ang noo.
"Hmm ang leme ng excuses nila ngayon lang din ako nakaencounter na school na hindi pwede lumabas ang mga estudyante at nasa isang gubat ang school."sagot ko.
Maya maya tumigil na ang bus andito na kami?.
Nang sabihin ni Sir na bumaba na kami siyempre bumaba na kami alangang umupo pa kami dun.
Nanlaki bahagya ang mata ko ng makababa ako ng bus.
Sobrang ganda as in at sobrang lawak sobrang tahimik din at makikita mong napakalawak ng bawat classroom dahil sa mga pintuan nito.
Hindi lang yun dahil napakamanly din ng design ng bawat bulding at makikita mong gawa ang mga ito sa mamahaling mwebles ngayon alam ko na bakit ganito kasikat ang eskwelahan na ito.
"Class!."napatingin kami kay sir ng pumalakpak ito ng tatlong beses.
"Babalikan namin kayo dito after 3 months okay?wag kayong magalala nakausap ko na ang principal ng eskwelahan na ito at may sarisarili kayong dorm dito kaya hindi niyo na kailangan magalala at si Mr--."
"Mr.Reyes andito na pala kayo."
Napatigil si sir ng may dumating na lalaki na sa tingin ko ay nasa 30s lang.
Napailing na lang ako sa mga kaschoolmate ko na babae ng impit na magtilian ang mga ito hindi ko sila masisisi dahil ang mukha ng lalaking ito ay parang makikita lang sa mga men's magazine.
"Pasensya na kung natagalan kami masyado kasing malubak ang daan papunta dito."explain ni Sir.
"It's okay atleast safe kayong nakapunta dito anyway welcome to Dabris Academy class I hope magenjoy kayo sa pagstay niyo dito."nakangiting ani nung lalaki at tiningnan si Sir.
"Ako na ang bahala mula dito Sir Reyes."nakangiting pagpiprisinta nung lalaki na kinatango ni Sir Reyes at walang sali salita na sumakay sa bus.
"Okay class, I'm Sir Ian ako ang magsisilbing guide niyo para sa araw na ito pero sa ngayon sasamahan ko muna kayo sa dorm niyo para ilagay ang mga gamit niyo."ani ni Sir yung mga babae parang kinikilig na ewan habang ang mga lalaki naguusap usap at yung iba na katulad ko nililibot lang ang tingin sa buong paligid ang ganda dito.
Napakunot ang noo ko ng may mapansin akong isang napakalaking fountain at estatwa sa gitna ng field isa yung lalaki na nakaupo sa trono habang may hawak na isang bulaklak.
Nawala lang ang pansin ko sa estatwang yun ng may makita akong mga lalaki na kalalabas lang galing sa isa sa mga silid sa isa sa mga building na nadadaanan namin.
Kahit mga nakatagilid lang ang mga ito makikita mong may angking karisma din ang mga ito pero agad ding nawala ang pansin ko sakanila ng tumama ang paningin ko sa lalaking nasa pinakagitna nila hindi ko alam kung bakit pero parang napako ang mga paningin ko sa lalaking yun at para akong tinutulak ng mga paa ko na sundan ang mga lalaki.
"Hoy Davies!."halos mapatalon ako sa gulat ng sumigaw si Rex sa mismong tenga ko.
"An--."naputol ang sasabihin ko ng makita ko sa hindi kalayuan ang mga ka schoolmate ko na nagpipigil ng tawa at si Sir na seryosong nakatingin sakin.
Kahiya s**t!.
"Bilisan mo na kanina ka pa tinatawag eh."Ani ni Rex habang lakad takbo kaming lumapit sa mga kasama namin.
His POV:
Palihim na napataas ang gilid ng labi ko ng maamoy ko ang mabangong amoy na yun hindi ako pwedeng magkamali andito na siya.
"Ano nanaman kaya ang trip ng school director natin at nagdala sila ng tagalabas dito?."rinig kong tanong ni Franco.
"Malapit na kasi ang kabilugan ng buwan kailangan natin ng makakain."sagot ni Jake habang tumatawa.
Napatigil lang ako ng bahagya ng maramdaman ko ang tingin niya sakin.
Pero imbis na tumingin hinayaan ko na lang hindi pa ito ang tamang panahon para magkakilala kami hindi pwedeng magtama ang paningin namin dalawa dahil oras na mangyari yun baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong markahan ang babaeng itinakda para sakin.