Chapter Twenty Six ARC MASAYA ako dahil napasagot ko na rin ang mahal ko kahit na may halong kalokohan. Ang totoo ay sinadya magpahulog para makita ang reaksiyon niya. Kaya naman nang makita ko siyang parang maiiyak na, dinagdagan ko pa ang kalokohang naisip. Ramdam ko naman ang marubdob na pagkagusto niya sa akin kung kaya't hindi na kailangang patagalin pa. Kahit na madalas niya akong sungitan, alam ko namang nagpapakipot lang siya. Lalong pinakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal sa paraang alam ko. Kinakantahan ko siya kapag off-duty ko sa gabi, kumukusa ako sa pagsisibak ng kahoy sa umaga at ako na rin ang nagdidilig ng halaman nila. Araw ng linggo ngayon kaya maraming nakapila para kumuha ng quarantine pass papuntang bayan. "Iba ang ngiti mo natin ngayon ah, hulaan ko, k