Chapter Twenty Five ARC MAAGA akong nagising dahil excited na akong puntahan ang aking binibini. Bago ako pumunta sa barangay hall, gagawin ko muna ang responsibilidad ko bilang manliligaw ni Alyssa. Ang sarap sa pakiramdam. Dumeretso ako sa bahay nila at bumungad naman sa akin si Aling Daisy na nagdidilig ng mga halaman gamit ang hose. Nakabukas ang gate nila kaya pinasok ko ang motor ko. Siguro ay may pinuntahan si Kap. "Magandang umaga ho," masiglang bati ko. Hindi ko rin maitago ang ngiti ko. Gusto ko agad makita si Aly pero tulog pa siguro ngayon ang prinsesa. Ngumiti siya pabalik. "Ang aga mo naman hijo." "Oo nga ho eh, may duty ho kasi ako mamaya," saad ko. "Ako na ho diyan Aling Daisy," dagdag ko saka tinuloy ang pagdidilig ng halaman. "Ano ka ba hijo, napakapormal mo t