Chapter Twenty Four ALYSSA KINAKABAHAN akong nagtungo sa loob ng bahay. Dumeretso naman ako sa kusina para uminom ng tubig. Pheeew! First time ko tong naramdaman. Oo nga't pasaway ako pero I know my limitations. At sa tingin ko naman, nasa tamang edad na ako para gawin ang mature na bagay na yon. Gosh, I can't even say that mature thingy. Naiilang ako. Bumalik na ako sa sala at naabutan ko ang magulang kong tahimik lamang. Ilang sandali pa ay nagsalita si Papa. "Bakit ka naglasing kahapon sa bayan? Alyssa naman, hindi ka ba nahihiya? Ano na lang ang sasabihin ng tao sa atin kung nalaman nilang mismong anak ng Kapitan ang pagkalat-kalat sa bayan? At talaga namang nakalimutan mo pa ang bahay natin dahil sa kalasingan mo." Mahihimigan ang frustration sa kanyang boses. Ganun na ba ako k