Nabigla si Haidee sa pagkukumpara ng lalaki sa sarili sa bagong instructor. Tama naman ito pero anong ibig nitong ipakahulugan sa pagsasabi noon sa kanya? "Bakit, sinabi ko bang mas maganda katawan niya sa'yo?" bara niya rito at kita ang pagtaas ng kilay nito sa sinabi. Natigilan naman si Direck sa sinabi ng babae. Bakit ba niya kasi ikinumpara ang sarili doon sa lalaki? Nagkaroon tuloy ito ng pagkakataon upang barahin siya. "Kung makatingin ka sa ano niya eh tila hinuhubaran mo," pang-iiba niya ng usapan. "Ang alin?" maang-maangang tanong dito. "Sus, kunwari ka pa! Halos mapakagat dila ka pa nga eh este labi pala." Nanlaki ang mata ni Haidee sa sinabi ng lalaki. Pati pala iyon ay napansin nito. Eh ano magagawa niya kung medyo bulgy ang hinaharap ng lalaki. "If you see naman ay mas