CHAPTER SIX

1318 Words
"MOMMY, maari ba tayong mag-usap?" pukaw ni Sam sa inang nagbabasa ng pahayagan. "Nakikinig ako, anak. Ano ba iyon? Aba'y bilisan mo at ayaw kong nadidistrubo kapag mayroon akong binabasa," tugon nito ngunit hindi man siya pinagkaabalahang lingunin. Napakamot tuloy siya sa batok niya! "Magsaslita ka ba o hindi? Kung wala ka man ding alam sabihin o nalunok mo na ang iyong dila ay maari ka ng bumalik sa borders!" singhal nitong muli sa kaniya. Tuloy! Tuluyan na siyang napahalakhak. "Kapag ako ang tuluyang mabuwesit sa iyo ay palalayasin na talaga kita!" anitong muli. Kaya naman imbes na magpaliwanag na siya ay umupo na lamang siya sa tabi nito. "Nasaan sina Aiza at ang bata?" tanong niya ilang sandali ang nakalipas "Kung ang mag-inang ingrata ang nais mong pag-usapan ay huwag mo ng ituloy. Dahil wala rin akong balak makinig," sagot nito saka naupo ng maayos. Muli tuloy siyang napakamot sa ulo. Aba'y ang parang lantang gulay na walang balak makinig sa sasabihin niya ay nagmistulang sinaniban ng masamang espirito dahil bigla itong umayos sa pagkaupo. Hindi lang iyon, tuluyan na nga nitong ibinaba ang hawak-hawak na diyaryo. "Actually, sila po talaga, Mommy. Ngunit nais kong hingin ang pahintulot mo upang tuluyan na natin silang mapalayas dito sa bahay. Ibig kong sabihin ay sa legal na paraan. Pero mangyayari lamang po iyan sa tulong mo," pahayag niya. 'Please, Mommy. Pumayag ka na. Dahil marami pa akong gagawin upang malinis ang pamilya natin.' Pipi niyang panalangin. "Umamin ka munang wala kang amnesia bago mo ako mapapayag, Sam anak. It's been six years since you became the laughing stock. Pero pinanindigan mo ang iyong ginawa. Kaya't nanatili rin akong tahimik. Kahit ang mga kapatid mo ay ganoon din. And most of all, the crown prince. Kung ibang tao ka lang siguro ay nahatulan ka na ng beheading dahil sa pambabaliwala mo sa kaniya," saad nito. Dahil sa tinuran ng ina ay tumayo siya at bumulong dito. Kaso! "Walang-hiya kang bata ka! Ilang taon mo kaming---" "Mommy, parang hindi ka pa nasanay sa akin eh. That's my asset. Kaya ko nga narating ang puwestong ito ng dahil diyan. Still, I owe you alot. Akala ko nga ay ikaw ang unang makakaalam." Pamumutol niya rito. Kailangan niya itong lambingin. Dahil mauuwi sa wala ang lahat ng sakripisyo niya oras na magpatuloy ito sa pagdadaldal. "Mommy, ikaw na lang ang pag-asa ko. Ikaw dito sa loob at si Lando sa labas. Ang mga kapatid kong nasa palasyo ay huwag na nating idamay. Dahil baka mabulilyaso na naman." Pagpapatuloy niya. "Kahit hindi mo sabihin iyan at gagawin ko, Sam. Dahil bahagi sila ng royalty family. Ngunit mas mainam na makipag-ayos ka na sa crown prince. Alalahanin mong bago pa kayo mag-bayaw ay amo mo na siya at higit sa lahat ay magkaibigan. Mahigit anim na ang mabilis na lumipas sapat na iyon upang napagbayaran ang pagtulog mo sa tabi ng isang babae," giit nito. Kaya naman ay tuluyan siyang napabuntunghininga. Tama nga siguro silang lahat. Oras na upang mag-usap sila ng bayaw na kaibigan at crown prince ng bansa nila. "Pero bago iyan ay mayroon muna akong mas mahalagang gagawin, Mommy. Ang mag-inang Aiza at Edmund. Ngunit dahil gusto kong idaan sa legal na paraan ang pag-alis nila rito sa bahay ay kailangan ko ang tulong mo. At..." Kaso sa hindi malamang dahilan ay kusa siyang napatigil ng sumiphayo sa isipan ang tungkol sa batang may suot sa family heirloom necklace. "Kapag ako talaga ang mainis sa iyong lalaki ka ay hindi kita tutulungan! Aba'y may pabitin-bitin ka pang nalalaman eh!" singhal tuloy ng ina sa kaniya. "Bukod po sa akin, Mommy, may iba bang nakahawak sa family heirloom natin? I mean iyong necklace na ibinigay mo noong nagtapos ako sa kolehiyo," maagap niyang sabi. Aba'y mahirap na! Baka umatras pa ito sa pagtulong sa kaniya! Naging masungit na rin yata ang mahal nilang ina! Kaso kinurot-kurot naman siya nito! "Kaya nga heirloom dahil iisa lang ang nararapat na hahawak! Hah! Naiwala mo iyon ano? Tsk! Tsk! Siguraduhin mo lang na hindi ang mag-ina ang nakahawak dahil wala na akong magagawa kung nasa kanila. Iyon ang gagamitin nila upang tuluyan kang matali sa kanila. It's all your fault, by the way!" singhal pa nito. Ngunit para sa kaniya ay wala iyon. Dahil bukod sa ina niya ito ay kailangan niya ang suporta nito. "Actually, I did, Mommy. Kaya ko tinanong kung ako lang ba may hawak sa heirloom na iyon. Ngunit sa sagot mo po ay siguradong mag-ina ko ang nakahawak. Kaso---" "Kaso, ano?! Talagang pinapatay mo ako sa nerbiyos eh!" Pinutol na nga nito ang pananalita niya ay nakasinghal pa. "Surprise na iyon, Mommy. Sooner or later, I will bring them back no matter what it takes," sagot niya. "Well, hihintayin ko ang panahong iyan, Sam. May mga kapatid ka pero simula ng naging bahagi sila ng royal family ay bihira ng pumarito. Go ahead with your plan. I will support you," pahayag ng Ginang. Kaya naman ay labis-labis ang pasasalamat ng binata. Kulang na nga lamg ay isayaw-sayaw niya ito. SAMANTALA mag-asawang sampal ang sumalubong kay Samantha pagdating pa lamang nilang mag-ina sa tahanan ng mga Carlsen. "Mapapalampas ko ang pag-alis ninyong mag-ina dahil bonding n'yo na rin. Ngunit hindi ko kayo binubuhay para lang saktan ang anak ko at bastusin si Mama! Ngayon naman ay ginabi kayong dalawa sa pag-uwi. Magpaliwanag ka!" sigaw pa nito. Ngunit dulot ng pagkabigla mula sa nakakatulig at nakakatabinging sampal na iginawad ng asawa ay hindi siya kaagad nakasagot. "Sabi ko naman po kasi sa iyo, Edward. Kung nakinig ka lang sana sa akin noon pa ay hindi mo dadanasin ang ganito," saad naman ng kinakapatid nitong si Annie. Kaya naman ay bumaling siya rito. Subalit ang anak nilang mag-asawa ang pumagitna. "Auntie Annie, sana ikaw na lang ang Mama ko. Bukod sa lagi kang nandito at tinutulungan kami ni Papa ay matalino ka pa hindi kagaya ni Mama at ng magnanakaw na iyan na wala ng ginawa kundi ang galitin sina Papa at Grandma," anito habang nakatingala sa babae. Dahil dito ay hindi na nakapagtimpi si Samantha. Tumayo siya at binalanse ang sarili. Kaso bago pa niya maibuka ang labi upang sagutin sana ito ay ang babaeng nagpapainit sa kaniyang bumbunan ang nagwika. "Martin Thomas Hijo, hindi iyan maaring mangyari. Dahil ang Mama at Papa mo ang ikinasal. Kaya nga lumabas ka sa mundong ibabaw. Go and say sorry to your mother and big brother," saad nito saka tumingin sa kaniya. Okay na sana dahil pasok naman sa panlasa niya ang rason nito kahit pa sabihing pabalat bunga lang. Subalit kitang-kita niya ang pagsilay ng mala-demonyong ngiti sa sulok ng labi nito. "No! Never! Hindi ako magso-sorry sa magnanakaw na iyan at kay Mama. Mas mabuti pa ngang ikaw ang tunay kong Mama kaysa sa kaniya. I hate them both!" Pagwawala ng anak niya. Kaya naman ay lihim siyang nakaramdan ng panibugho. Ngunit sa isipan niya ay kahit ano man ang gawin niya sa oras na iyon ay wala ng saysay. Polluted at brainwashed na ang anak. Kaya't wala ng silbi. "Gusto mo bang siya ang maging Mama mo, Martin? Call her Mama from now on. Don't hesitate to do---" Subalit hindi pa niya natapos ang pananalita ay muling pinadapo ng asawa ang palad sa kaniyang pisngi. "Imbes na suyuin mo siya ay hindi, Samantha! Totoo naman ang sinabi niya ah. Mas nagagampanan ni Annie ang pagiging ina sa kaniya kaysa tulad mo! Pagbibigyan kitang baguhin ang ugali mong iyan. Dahil kung hindi ay wala na akong magawa upang pigilan ag anak natin na mas mapalapit sa kinakapatid ko!" Mahina man ang pagkasabi ngunit maari namang mapisa ang itlog na maapakan dahil sa diin! Kaso! Hindi yata para sa kaniya ang gabing iyon. Dahil talagang hindi aiya makasingit! Kaya naman! Humarap siya sa lahat ng nandoon including her mother-in-law and father-in-law. At sumigaw ng pagkalakas-lakas!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD