CHAPTER FIVE

1069 Words
"HALOS anim na taon na ang nakalipas, Miss Samantha Valderama. Aba'y isa kang tagapagmana ngunit nagtitiis ka sa mapang-alipustang pamilya Carlsen. Mabuti sana kung hindi nila idinadamay ang mga bata. So, when you wake up on your dream?" taas-kilay na tanong ng kaibigan. "Alang-ala sa anak namin, Friend---" Subalit ang baklita niyang kaibigan ay itinakip ang daliri sa kaniyang labi. "Kasasabi ko lang na idinamay ang anak ninyo ngunit iyan na naman ang rason mo? Okay, let's say that you are doing this for the sake of your child. What about Peter Henrik? Ibinilang ba nilang tunay na kapamilya ang kaawa-awang bata? Kaya nga kayo nanditong mag-ina dahil wala silang ipinagkaiba sa sarili mong pamilya eh," giit nito. Kaya naman ay bahagyang natigilan si Samantha. Totoo naman kasi ang tinuran ng kaibigan. Kagaya nang ipinangako sa mabait na Ginang na tumulong sa kaniya o ang ina ng youngest Brigadier General sa kanilang henerasyon ay bumalik siya sa tahanan ng mga Cohen after two months. Subalit hindi rin nagtagal dahil sa babaeng nagpakilalang fiancee ng opisyal. Muli ay namuhay siya ng malayo sa mga mahal sa buhay. "See? Natahimik ka, friend. Hindi ko iginigiit ang hiwalayan mo ang iyong asawa. Dahil personal mo iyang buhay. Subalit huwag mo rin sanang kalimutang hindi lang ang batang Carlsen ang anak mo," muli ay wika nito. Kaya naman ay muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga bago nagsalita. "Kako bibigyan ko pa silang lahat ng pagkakataong magbago. Kahit wala ako sa piling ng mayaman kong ama ay hindi ako nagkulang sa pagtulong kay Alex sa pag-ahon ng negosyong palubog. Ginawa ko ang lahat upang makatulong sa pamilya nila. Subalit habang tumatagal ay nakikita ko ang tunay nilang kulay. Tama ka rin naman, Friend. Brainwashed nila si Martin. Mas kinikilala pa nitong ina si Annie na laging nakadikit sa asawa ko. Kapag may ginagawang kalokohan ay sa akin nakaturo ang sisi kaya't lagi kaming nag-aaway. Walang naniniwala sa akin sa pamilya Carlsen. Sa madaling salita ay outsiders kaming mag-ina para sa kanila." Sa unang pagkakataon ay napakuwento siya sa kaniyang buhay sa pamilya Carlsen. At sa pahayag niyang iyon ay aminado siyang nabawasan ang bigat ng kaniyang dibdib. "Kung noong mo pa sana pinalawalan ang bigat ng iyong kalooban at hindi pinaabot ng halos anim na taon ay baka noon ka pa natauhan. Still, nasa iyo pa rin ang desisyon at ikaw ang masusunod," sabi nito makalipas ng ilang sandali. "Thank you, friend. By the way, kumusta na ang negosyo natin? I mean about everything," nakangiti niyang tanong. "Total everything naman ang sabi mo ay income muna ang nais kong report. Dahil stable ang lahat. Kung mayroon mang bago ay ang asawa mong sira-ulo na nais makipag-sosyo sa bago nating branch. Manager mo lang ako kaya't ikaw pa rin ang tunay na may-ari. Kaya nga ang sagot ko sa kaniya ay walang ibang makapagdesisyon kundi ang tunay na C.E.O," paliwanag nito. Subalit sa paliwanag nito ay unti-unting naglaho ang ngiting bumalatay sa kaniyang mukha. "As of now, kaya ko pa silang tiisin, my friend. Huwag lang nilang kantiin si Peter Henrik. Dahil iba akong magalit. Maaring hindi nila ito kadugo ngunit dugo't laman ko siya. About my husband? Hanggat wala akong nahuhuling ebidensiya laban sa kanila ni Annie ay wala siyang maririnig sa akin. Subalit oras na mapatunayan ko ang lahat ng sabi-sabi ay ako mismo ang mag-file ng divorce," aniya. Maaring magsasalita pa ito subalit hindi na nagawa dahil napatakbo silang dalawa sa kinaroroonan ng naglalarong si Peter Henrik dahil sa halakhak nito. Kaso napatigil naman sila dahil sa nadatnan. 'Magaling pong magluto ang Mama ko, Uncle. Bakit hindi po kayo pumasok ng kasama mo upang mag-order?' 'Sa ibang pagkakataon na lang, hijo. Dahil ang isa mo pang Uncle ay mayroong trabaho. Pumasok ka na roon sa loob.' "Salamat po, Uncle. Dahil hindi ko kasi namalayang nahulog ang kuwentas ko. Ang sabi ni Mama ay ito ang palatandaan ng Papa ko sa akin. Mag-ingat po kayo ng isa pang Uncle.' 'Pasok na, little boy.' Ang usapan ng anak niya at ang Uncle na tinawag nito. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa mga tao ngunit simula nang sinulan siyang lait-laitin ng mga Carlsen ay kusang umusbong ang pagdududa sa paligid. Kaya naman ay kaagad niya itong tinawag. Kaso ganoon pa rin. Masaya pa itong kumaway-kaway sa maaring nakipaglaro rito. AFTER SOMETIMES... "Ano'ng masasabi mo sa batang iyon, Sir? Dahil kung ako ang tatanungin mo ay mas kamukha mo pa iyon kaysa batang nasa bahay ninyo," wika ni Orlando sa among kulang na lamang ay mabali ang leeg sa mag-ina. "Hindi ako maaring magkamali, Lando. Siya iyong. Halos anim na taon na ang nakalipas ngunit sariwa pa rin sa akin isipan ang lahat," bagkus ay tugon nito. "Ay iba naman nag sagot mo, Sir. Nang dahil sa nangyari noon ay hindi mo na yata kinausap ang kasalukuyan nating Crown Prince. Anim na taon ang lumipas ngunit patuloy kang umiiwas sa kaniya. Aba'y huwag mong kalimutang mas mataas pa rin iyon kaysa sa atin," sabi tuloy niya kaso napaismid lamang ito. SAMANTALA sa pagkabanggit ng bodyguard/driver ni Sam sa matalik na kaibigan ay napaismid siya. "Kahit siya pa ang hari sa Denmark ay wala akong pakialam, Lando. Dahil kahit bali-baliktarin ang mundo ay buhay ang winasak nila. Ikaw na rin ang nagsabing pinalayas ang babaeng iyon ng pamilya Valderama dahil nagbuntis na walang asawa--- Wait! Tama! Siya iyong tinutukoy ni Mommy! Let's go back there, now!" Hindi tuloy siya magkandatuto dahil sa sumiphayo sa kaniyang isipan. "Sir, honestly? Bakit ngayon mo lang iyan naisip? Nakikita ko siya noon sa bahay ninyo ngunit dahil hindi ko naman kilala at mas lalong hindi ko nakita kahit minsan man lang sana ay nanatiling tikom ang aking bibig," tugon ng bodyguard. "Ireserba mo na iyang sermons mo, Lando. Turn around the car. Babalik tayo sa restaurant na iyon. Dahil sigurado akong akin ang batang iyon. Move now, Lando!" Sa excitement na nadarama ay aminado siyang napataas ang kaniyang boses. Ngunit kitang-kita naman niya sa sulok ng mga mata ang pagtaas ng kilay nito. Ah, saka na lamang niya ito papatulan. Subalit ang excitement na pumaloob sa kaibutuwiran ng pagkatao niya sa oras na iyon ay naglaho nang nakarating silang muli sa restaurant. Bukod sa wala na ang mag-ina ay sarado na rin ang lugar. Tuloy! Napahinga siya ng malalim! Ganoon pa man ay wala silang nagawa kundi ang magpatuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD