NAKASIMANGOT SI GINGER habang pauwi sa bahay. Mapapagalitan siya ni Almira dahil mamahalin ang pyrex pan na nabasag niya. Hindi pa rin mawala sa isip niya kung paanong naghalikan ang lalaking mukhang kabayo at ang babaeng mukhang palaka kanina.
Maganda ’yong babae ngunit ’di katangkaran. Malamang na anak mayaman ito dahil maputi rin ito at makinis. Kutis porselana ang kasama ni William, samantalang siya naman ay kayumanggi. Iyon lang, hindi hamak na mas matangkad at mas maganda siya rito, kahit pa sopistikada ang babae.
Nasayang ang baked macaroni. Ginawa pa naman iyon ng Mama Almira niya nang may pagmamahal.
‘Pagmamahal kay Will?’ Dismayadong napapalatak si Ginger. Sa kakabida kasi ng mga amo niya sa pamangkin nito ay matagal na niyang hinahangaan ang binata. She had admired him for three years. There were even some time na kinakausap niya ang malaking kuwadro nito sa bahay ni Alice sa tuwing nagagawi siya roon.
Isang malaking photo frame ni William ang nakasabit sa may hagdanan na papunta sa ikalawang palapag ng bahay ni Alice. Kitang-kita iyon pagpasok sa tarangkahan. Isang litrato ng binata na tila ba tinititigan siya sa tuwing nagagawi siya roon.
“’Wag mo akong titigan nang ganyan at baka pikutin kita. Ang guwapo mo pa naman!” ang madalas na biro ni Ginger sa tuwing makikita niya ang litrato. ”Don’t you worry, honey. Sasagutin naman kita. Willing na willing naman akong maging Mrs. William Greenwood—Virginia Greenwood? Oh, bagay naman maging tayo, ’di ba?”
Parang baliw si Ginger na kinakausap ang kuwadro ni William habang nililinis niya ang bahay ni Alice. Siya kasi ang karelyebo ni Aling Nena kapag umuuwi ito sa probinsya.
May pa-flying kiss pang nalalaman si Ginger sa tuwing mapaparaan siya sa silid-aklatan ng mga delos Santos. May kahalintulad kasing kuwadro si William sa bahay ni Almira. Nasa hallway ‘yon ng silid-aklatan ni Iggy, kung saan nakasabit ang iba pang mga litrato ng angkan ng mga delos Santos.
Sa litrato pa lang kasi, makalaglag-panty na ang kaguwapuhan ng half-American na si William. Parang kay sarap halikan ang pouted lips nito. Parang ang sarap ding yakapin ng binata at pagapangan ang mga palad. Goodness! The man was perfectly toned.
‘Baliw ka, Virginia Valencia! Ni hindi ka nga marunong humalik. Mag-practice ka muna sa bote ng soda!’ Ginger reminded herself. Naging major turn off sa kaniya ang pagkikita nila kanina. Idagdag pa sa ikina-turn off niya an pagdadala nito ng babae sa tahanan nila.
‘Tahanan namin? For Pete’s sake! Hindi mo ’yon bahay, Ginger! Katulong ka lang. Ilugar mo ang sarili mo.’ She rolled her eyes. ‘Kahit pagpantasyahan mo siya, malabong gustuhin ka niya.’
Tapos niyon ay dinukot ni Ginger ang Nokia 3310 mula sa kaniyang bulsa. Kahit luma na ang kaniyang cellphone ay gumagana pa naman ito. Tinawagan niya si Juniper, ang nag-iisa niyang kaibigan niya sa probinsiya.
“Hello!”
“Ginger, ba’t naninigaw ka?”
“Ang tagal mo namang sagutin ang telepono mo, Juniper!”
“Bakit? Kailangan ba sasagot agad-agad kapag tumawg ang mahal na reyna?”
“Hindi naman. May chika lang ako sa ’yo.”
“Ano’ng mosa mo, Virginia Valencia? Ang reyna ng mga luya at walis tambo. Miss na kita friend!” pang-aalaska ng kaibigan sa kaniya.
“Miss na rin kita, Jupiter—este Juniper. Nakilala ko na siya! As in! I met the guy in the kuwadro sa bahay ni Alice in person. Nakaharap ko na siya! Pero ano kasi...” Tumigil sa pagsasalita si Ginger, nagbugtong-hininga, at kinagat-kagat ang kaniyang babang labi, “Haist! Siya ang pinakaantipatikong lalaki sa buong mundo!”
Na-imagine pa ni Ginger kung gaano kagandang nilalang si William. Kaso nga lang, babaero na ito ay bastos pa. Maginoong bastos at badboy aura—’yon ang tipo niya sa lalaki. Pero hindi ’yon ang nakita niya sa pamangkin ng kaniyang Mama Almira. William Greenwood may be physically perfect, but now she knows na hindi ito ang gusto niya.
“G’wapo ba sa personal?”
“Hindi! Mukhang kabayo!”
“Eh, ba’t ka sumisigaw?”
“Nakakagigil kasi! Naghalikan ba naman sa harap ko.”
“Sino?”
“’Yong kabayo at ’yong palakang kokak!”
“Sino nga ba ’yang kabayo at palaka?”
“Pamangkin—este anak ng amo ko.”
“Baka crush mo kaya naiinis ka.”
“Crush? Hindi ah! Guwapong-guwapo sa sarili. Mukha namang nanghiram ng mukha sa kabayo.”
“I-swimming mo na lang ’yan. Hindi ba’t may pool ’yang amo mo?”
“Wala naman akong swimsuit.”
“Problema ba ’yon? E ’di bumili ka!”
Na-imagine ni Ginger ang sarili na naka-two-piece at makikita siya ng binata. Aakitin niya ito gamit ang kaniyang seductive body. Ito naman ang mapapanganga sa katawan niya. ’Di hamak na mas maganda at sexy siya kaysa sa kahalikan nito.
“Ginger? Nariyan ka pa ba? Manamit ka kasi ng sexy hindi ’yong para kang manang. Gawin mo para madiligan ka naman!” Tawa nang tawa si Juniper sa kabilang linya.
“Tse! ’Wag mo nga akong itulad sa ’yo. Mas komportable ako sa ganitong ayos. H-hello—J-Juniper? Hindi na kita marinig. Choppy ka na!” Nilayo ni Ginger ang telepono mula sa kaniyang tenga dahil nagsimula na itong mangutya tungkol sa pag-aayos niya sa sarili. “Choppy ka na Juniper—choppy! Bye!”
Pinindot na ni Ginger ang end button para iwasan ang mga pinagsasasabi nito.
Paano kaya kung i-try niyang manamit sa modernong istilo? Babagay kaya sa kaniya? Naisip ni Ginger na bumili ng two-piece bikini na kawangis noong suot ng sa babaeng kasama ni William kanina. Siguro, mas babagay ang damit panligo na ’yon sa hugis ng katawan niya.
‘Bakit ko ba hinahalintulad ang sarili ko sa kaniya? Haist! Ginger, umayos ka!’ Napalakas pala ang pagkakadaing niya dahil narinig iyon ni Almira.
“Oh, ano’ng nangyari sa ’yo, Anak? Sambakol ’yang pagmumukha mo? Nagkita na ba kayo ng pamangkin ko? Ano? Guwapo pa rin ba? Mabait at responsable ’yon.”
‘Mabait? Responsable? Guwapo siguro pero mabait? Sing gaspang ng papel de liha ang pag-uugali niya!’ Hindi niya pala nasagot ang tanong ng kaniyang Mama Almira.
“Ginger, kinakausap kita. Ano ba’ng nangyayari sa ’yo’t balisa ka?”
‘Ano kayang pakiramdam ang makahalikan ang isang William Greenwood—’ Napakurap pa si Ginger nang mapansing lumulutang ang kaniyang isip. “Huh? May sinabi ho kayo?”
“Ang sabi ko kung nagkita na kayo ni William?”
‘William? Ang buwisit na mukhang kabayong si William?’ She faked a smile. “Opo. Nagkita na po kami.”
“Kumusta? Guwapo ba?”
Nagkibitbalikat lamang si Ginger. “Sige po. Tapusin ko na ho ’yong mga labahin ko.”
“Do the laundry tomorrow. Samahan mo ako. May pupuntahan tayo.”
“Maggagabi na ho, aalis pa tayo?”
“I need to go shopping. Meet you in the car,” wika nito at tinalikuran na siya.
Mga mayayaman nga naman. Kung makapag-isip na mag-shopping splurge, go lang. Samantalang siya ay iniipon ang bawat sentimong kinikita sa pagkakatulong. Balak niya rin naman kasing makabili ng sariling bahay at sasakyan. Bubukod siya at hindi na aasa pa sa dalawang matanda sa oras na maka-graduate ng kolehiyo. matapos ang kursong Business Management.
Plano ni Ginger na magkaroon ng sariling advertising agency balang-araw. Sisikat siya at gagawa ng dekalidad na mga commercial sa television. Makikilala siya bilang Top Marketer ng bansa. Hindi siya magiging katulong habambuhay. Pero ngayon, masaya siya sa pag-aalaga kina Almira at Ignacio, pati na rin kay Alice. Pamilya na ang turing niya sa mga ito kaya naman hindi madali sa kaniya kung mawawalay siya sa pamilyang tinanggap siya at inaruga nang buong puso. Maliban na lamang sa antipatikong GGSS (guwapong-guwapo sa sarili) na si William.
“Ginger!” sigaw ni Almira.
Nagmamadali si Ginger nang kunin ang sling bag niya mula sa kaniyang kuwarto. Yaman ding shopping ang ganap ni Almira, titingin na rin siya ng mga damit na babagay sa kaniya.
‘Bakit ko ba naiisip na magbago ng istilo?’ Nasa ganoong istado ng imahinasyon si Ginger nang makarating sila sa kaparehong mall kung saan niya nakilala si Almira.