Chapter 1 Ginger Maid

1234 Words
DAILY ROUTINE NA NI GINGER ang magising ng alas-kuwatro ng umaga upang magluto ng agahan. Eksaktong alas-sais ang gising ng dalawang matanda at dapat ay nakahanda na ang kakainin ng mga ito. Bagama't sobrang bait ng dalawang matanda sa kaniya ay may pagka-istrikto ang mga ito lalo na sa time management. Sa tatlong taong pamamalagi niya sa bahay ng mg delos Santos, ay minahal na ni Ginger ang dalawang matanda na parang lolo at lola niya. Sinuklian naman siya ng mga ito ng pagmamahal na pawang tunay na anak. Sabado at wala siyang pasok sa eskuwela. Night-time classes ang pasok niya. Pinag-aral siya ng mga ito ng Business Management dahil wala raw magmamana ng kanilang negosyo. “Ginger, bilisan mong mag-grocery. Magbe-bake pa tayo ng baked mac mamaya. Pagkatapos dalhin mo sa kabilang bahay ang isang pan.” “Mayro’n pa pong stock ng mga ingredients sa pantry. Kukunin ko lang, Ma’am Almira.” “Anak, ilang beses ko bang uulitin. Mama. Mama at Papa ang itawag mo sa amin. Ikaw naman kasing bata ka, kung pumayag ka nang ampunin namin, e ‘di hindi tayo paulit-ulit sa ganitong usapan.” “M-Mama. Sapat na ho na kinupkop ninyo ako at pinag-aral.” “Ang ganda-ganda mo, Anak. Bagay na bagay kayo ng pamangkin ko. Kay guwapo ng batang iyon at sobrang bait. Malambing at responsable.” May malaking kuwadro ang pamangkin ng kaniyang amo sa bahay ng mga ito. Ilang albums din ng pictures nito ang naitatago ni Almira. Halos araw-araw na yatang nababanggit ni Almira sa kaniya ang pamangkin. Naiukit na ni Ginger ang imahe nito bilang gentleman. Ngunit paano niya naman ito makikilala kung sa tatlong taon ay ni hindi pa iyon nagawi sa bahay nila? Matapos ang halos dalawang oras na pagpi-prepare, inutusan ni Almira si Ginger na dalhin ang bagong bake na baked macaroni sa kapitbahay. Specially baked iyon para sa pamangkin na si William Greenwood. Kauuwi lang kasi ng binata galing Amerika. “Dios mio! Hindi naman ako nasabihang may live show pala rito.” Nagitla si Ginger sa pagkakakita ng dalawang taong naghahalikan sa gilid ng pool. Hindi lang halikan ang ginagawa ng mga ito dahil nakapatong ang babae sa lap ng lalaki na nakaupo sa pebble stone stool ng pool. Dumulas sa mga kamay ni Ginger ang isang pan ng baked mac nang biglang lumingon ang lalaki sa kaniya. Tapos niyon ay pinagpatuloy ng mga ito ang paghaharutan. Hindi niya pa nakita kahit minsan sa bahay na iyon ang binata. Hindi rin malinaw sa paningin niya kung sino iyon dahil nakatalikod ito at nakaharap naman sa kaniya ang babaeng kahalikan nito. “Baby, who is she?” “I don’t know.” “William, magdadalawang araw ka na rito, hindi mo pa rin binibisita ang Tiya Almira mo. She’s been wanting to see you!” sigaw ni Alice. Dinig na dinig ni Ginger ang boses nito galing sa loob ng bahay. “Ma’am, nasa pool ho si Sir William kasama ang girlfriend niya.” rinig ni Ginger na sabi ng katulong nito. Malapit sa tarangkahan ng side lanai door ng bahay ang pool area. Daraanan ito bago makarating sa main entrance ng bahay. Kakaiba ang pagkaka-set up ng landscaping ng bahay ni Alice bagama't magkapareho ang istilo sa bahay ni Almira. Madalas nagagawi si Ginger sa bahay ni Alice noong hindi pa siya nag-aaral sa kolehiyo. Pabalik-balik siya sa dalawang bahay. Iyon ang naging routine niya kapag umuuwi si Nena, ang katulong ni Alice, sa probinsiya. Nagmadali siyang pulutin ang nagkalat na baked mac ngunit sa pag-angat niya ng mukha, mukha ni William ang bumalandra sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata nito at parang umuusok ang mga ilong at tainga. “Hey, you!” tawag ni William sa babaeng basta na lamang pumasok sa kanilang bakuran. Sa pool sa area pa talaga ito dumaan na animo’y ito ang may ari ng bahay. “Ay, kabayong pula!” Nakasanayan na ni Ginger na mag-usal ng mga walang kuwentang kataga kapag siya’y nagigitla. “Who are you? What are you doing here? You’re trespassing!” Napako ang mga mata ni Ginger sa mga labi ni William na parang kay sarap halikan. Ang katawan nitong halos hubo’t hubad na ay pawang gusto niyang padampiin ang kaniyang mga kamay. ‘Guwapo sana, antipatiko naman,’ naisip ni Ginger bago sumagot. “Ginger ho, Sir. Ginger ho ang pangalan ko. Katulong ho ng Tiya Almira ninyo.” “So? Then what are you doing here sneaking on me?” ‘Aba! Galing ah! Ginawa pa akong mamboboso,’ usal ni Ginger sa kaniyang isipan. “Ay, Sir, ano ho ba ang pangalan nila?” tanong ni Ginger. Alam niya naman ang pangalan nito dahil binanggit na ni Almira sa kaniya. “William Greenwood,” sagot ni William nang wala sa loob. “W-Wait. Why am I even giving you my name?” “Para ho tawagin ko kayo sa pangalan kaysa naman kabayong pula.” “What’s kabayong pula?” “Red horse, Sir William.” “Get out of here! You’re talking nonsense.” “Sige ho, aalis na ’ko. Sayang naman itong baked mac,” usal ni Ginger na nakasimangot. “Ano’ng nangyari rito? Nena, madali ka’t linisin mo ito at baka mabubog si Ginger. Hija, hayaan mo na ’yan at si Nena na ang bahala. Bakit ngayon ka lang nagawi rito?” “Busy lang ho sa thesis ko.” Aalis na sana si Ginger nang tawagin siya muli ni William. “Hey, Ginger! Go get me ginger maids—I mean ginger ale.” “Baby, I’m starving,” maarteng turan ng babaeng nakalingkis na ngayon sa mga braso ng binata. Ang seksi ng babae, balingkinitan, maputi, medyo maganda, pero mas maganda siya. “Who told you to bring a woman in my house, William?” “Mom, it’s not the first time.” “Puwes, ’wag kang magdadala rito ng babae kung hindi mo asawa. You must marry her first before taking any woman inside my house.” Hinarap naman ng ginang ang babaeng kasama ni William. “And you, Young Lady. Hindi ka na nahiya at bakit ka natutulog sa bahay ng lalaki? Don’t your parents teach you proper decorum?” Hindi umimik ang babae. Bagkus ay tinalikuran nito si Alice at nagmadaling pumasok sa bahay. Ilang minuto pa ang nakalipas bago ito lumabas nang nakabihis na. “See you around, baby,” wika nito at hinalikan si William sa labi sa tapat nila ni Alice. Napanganga si Ginger sa pagkagulat. Hindi lang iyon halik na smack dahil tumugon si William sa halik ng babae. “Ayaw kong may babae ka pang iuuwi rito muli, William. Ipatatapon kita pabalik sa Amerika.” “Do as what pleases you, Mom. I’d like it better. I’ll get more girls. Besides, Dad can still manage the business. You don’t even need me here.” Nadismaya si Ginger sa inasal nito. Iba kaksi ang imahinasyon niya sa lalaki. Mabait at magalang daw ito ayon sa kaniyang Mama Almira. It’s irritating na hindi naman pala totoo ang mga ‘yon. “And you, Ginger Maid! I mean Ginger.” Siya naman ang pinagdiskitahan ng binata. “I don’t want to see you around.” “Fine! Hindi ka kaguwapuhan para gustuhin kong makita ’yang pagmumukha mong hiniram sa kabayo! Diyan ka na nga! Buwisit!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD